NAKAMASID si Adrian Damian, kay Mariz. Iniisip niya paano nakatakas si Olyvah. Tapos ng mga oras na yon hindi niya ito mahanap. May kinalaman ba ang mahal niya sa sinasabi ng mga guard na nakatakas ang babaeng yon? Maingat na lumapit siya siya dito habang nakatalikod. Yumakap sa likuran at binaon ang ilong sa leeg. “Ambango naman ang mahal ko.” “Anong kailangan mo at bigla ka na lang naglalambing?” “Wala naman mahal ko, nagtataka lang ako paano nakatakas si Olyvah?” “Ano ba ang sabi ng mga tauhan na tinanong mo?” “Nakatakas daw kagabi, pero sa dami nila imposibleng nalusutan sila. Unless may nag takas talaga sa babaeng yon palabas ng mansyon?” “Baka nga, ano sa palagay mo?” “Yeah, sino kaya yon, mahal ko?” “Baka ako?” hindi na magawa ng magsinungaling ni Mariz, nakokonsensya siya.