SA tuwina kapag natatanaw niya ang chairman, ang puso niya ay sugatan lalo pa at meron babaeng laging nasa tabi nito. Hindi lang niya ito mamukhaan dahil laging nakasuot ng malaking shades. At kahit hindi inaalis ang shades ng babae alam niya na napakaganda nito. At bagay na bagay ang dalawa gwapo at maganda. Ilang buwan na rin ang lumipas mula ng dumating ang asawa sa executive building na pinapasukan niya. Mula noon inalisan siya ng access na makalapit dito hanggang sa mga nakalipas na buwan. At sa bawat gabi luha ang karamay niya, sinisikap lang talaga niyang maging okay sa harap ng lahat. Lalo na sa trabaho niya ngunit dumating siya sa punto hindi na kaya ang sakit na dinadala. Kaya gumawa siya ng isang desisyon. Tinawagan niya ang senyora, sinabi niyang willing na siyang pipirma