NARIRITO sila sa isang malaking bahay. At wala si Venush, idea kung kanino iyon. Ang sabi ng kaniyang asawa bahay bakasyunan daw ang napakagandang bahay na ito. Pero hindi sinabi kung sino ang may ari. Wala pa rin masyadong gamit ganun pa man ay naroon naman ang lahat ng kailangan nila. Malayo ang lugar na yon sa kamaynilaan. Dalawang oras ang naging biyahe nila gamit ang Ortega private chopper. Sabik siyang umikot sa kabuan kaya hindi na siya nag paalam at umakyat na sa pinaka huling palapag. Overlooking ang kinatatayuan ng bahay na yon. At napakaganda ng paligid hindi pa siya nakuntento ay umakyat sa rooftop malawak din yon at napansin niyang meron helipad. Ibig sabihin may mga nag pupunta din sa bahay na yon at chopper ang sasakyan. Pero bakit ang chopper na sinakyan nila ay doon sa