MATURED CONTENT R-18
Sabi nila kapag tinamaan ka ng pag-ibig hindi ka na makakawala.
Mapa lalake, babae, bata o matanda man. Sabi nila age doesn't matter saka height doesn't matter. Meron pa ngang weight doesn't matter.
Basta kapag nagmahal ka tatanggapin mo o kung sino man siya.
Ganyan ang nagagawa ng pagmamahal.
Ganyan ang nangyari sa playboy na si Chase Smith noong pumunta sila ng pamilya nila sa Happy Island para magbakasyon. Bonding at pag-rerelax ang ipinunta nila doon. Pero nakatadhana na ata na magkakilala sila ni Jane na isang staff sa resort ng Happy Island.
Mapapatino pala ng pag-ibig ang isang playboy na katulad ni Chase. At hindi aakalain ni Jane na maiinlove sa kanya ang isang playboy katulad ng binata. Natatakot si Jane at baka pinagtritripan lang siya ni Chase dahil na rin sa mayaman ang lalake at siya naman ay mahirap lang. Pero pinatunayan ni Chase na maging ang playboy kapag tinamaan ng pag-ibig handang magbago para sa taong mahal niya.
Pero katulad ng ibang relasyon akala nila perfect na ang pagsasama nilang dalawa.
Akala nila happy ending na agad sila.
Hindi nila namamalayan na may nagbabago na pala sa kanila.
Mauungkat ang nakaraan ng kahapon na magiging dahilan ng pagkakaroon ng lamat sa kanilang relasyon.
Mananaig pa rin kaya ang pag-ibig kung napuno na ng pagdududa at takot ang kanilang puso?