“I'M ready. Let's go.” ani Carmela pagkalabas sa dressing room at makarating sa balkonahe ng rest house kung saan naroroon ang mga kasamahan niya at nag-aalmusal kasama si Ervin.
Tumaas ang isang kilay niya nang nakitang nakatingin sa kanya ang lahat.
“What?” naiirita niyang utas.
“Seriously, Mel, mangangabayo ka na ganyan ang suot mo?” seryosong puna ng direktor.
Napatingin siya sa suot. She's wearing a yellow floral dress na hanggang kalahati ng legs ang haba tapos ay step-in sa paa. Ano namang mali sa kanyang outfit?
“Magbi-beach daw kasi s'ya pagkatapos mangabayo, direk. Siya lang mag-isa.” nakatawa at parang nang-iinsultong pahayag naman ni Lorraine na katabi ngayon ni Ervin.
Umirap siya sa kawalan. Kapag naka-floral dress, beach kaagad? Hindi ba pwede farm muna? Tss, palibhasa insecure! Sus, edi magsuot ka rin ng ganito! Hambalusin kita diyan eh!
“Mel, sasampa ka sa likod ng kabayo, you should dress appropriately. Magpalit ka.” ngingiti-ngiti namang saad ni Ervin.
Magkakampi pa yata 'yang dalawa sa panglalait sa suot niya ngayon!
Aba, malay ko bang hindi pala pwede ang ganitong damit sa pangangabayo! Hindi naman po kasi nabanggit noon sa workshop namin ilang taon na ang nakakalipas na bawal pala ang bulaklaking dress sa pangangabayo!
Dadabog-dabog siyang bumalik sa loob para magpalit.
Humanda talaga ang mga iyon sa kanya pagkalabas niya at hindi na naman magustuhan ang damit niya!
Pagkatapos ng ilang minuto na pagpapalit, she's now wearing a blue maong sexy shorts, white spaghetti strap sa loob ng nakabukas na maong na blazer at naka-insert ang spaghetti strap sa kanyang shorts, then brown boots sa paa. Cowgirl na cowgirl na ang dating.
Pagkalabas niya ay natigilan na naman ang mga tao at natulala sa kanya.
Kumunot na ng tuluyan ang kanyang noo. “Oh, don't tell me, this is still inappropriate?”
“Mel, you look wow. You look great!” manghang-mangha na naibulalas ng bading na direktor.
Kahit papaano ay nakahinga s'ya ng maluwag. Maayos na siguro 'to, she looks great naman daw eh!
“Ganyan na ganyan din yung katawan ko no'ng kabataan ko pa eh.” nangingiti namang pahayag ni Mrs. Phoebe habang pinagmamasdan ang ayos niya.
“Maam Mel, ang sexy at ang hot n'yo po!” tuwang-tuwa pang papuri ni Abby.
Nakita naman niya si Lorraine, nakakibit-balikat lang at tinitingnan siya mula ulo hanggang paa. Malademonya niya itong nginisihan at tiningnan din ito mula ulo hanggang paa habang nakataas ang isa niyang kilay.
Oh, ano ka ngayon, Lorraine? Mas lalo ka lang na-insecure! At 'wag mo akong matarayan dahil mas mataray ako sayo. Bida ka lang, kontrabida ako!
Napadako naman ang tingin niya kay Ervin. Prenteng nakaupo ito sa silya, nakatukod ang mga siko sa tuhod nito at nakasalikop ang mga palad habang seryosong tinititigan siya.
Tinaasan niya ito ng kilay. 'Wag nitong sabihing hindi pa rin papasa ang outfit niya!
“I think you better change your shorts into pants.” seryosong komento nito.
Sarkastikong natawa siya. “Change? Kung gusto mong magpabalik-balik sa dressing room, ikaw nalang! Kung hindi ka pa rin komporme sa suot ko, ano pala ang gusto? Baka naman gusto mo pang mag-wedding gown ako para lang matuto akong mangabayo?”
Hindi ito sumagot. Nanatili lamang na nakatitig sa kanya.
“Oh ngayon, kung tititigan mo lang ako at hindi ka pa tatayo diyan, mabuti pang maghanap nalang ako ng ibang trainer!” pasupladang wika niya saka nagmartsa na palabas ng balkonahe at ngayon ay naglalakad na sa malawak na bakanteng lote.
Ang buong akala niya ay nag-iisa siya ngunit awtomatikong napalingon siya nang biglang may sumipol sa likuran niya. Nakasunod pala si Ervin!
Nakangisi ito habang pinagmamasdan siya tapos nakapamulsa ang isang kamay at pasipol-sipol. As usual, he has cowboy looks. Nakasimpleng t-shirt na puti, maong na pantalon, boots sa paa, at cowboy na sumbrero. Ang gwapo talaga ng loko!
“Oh? Susunod ka rin pala eh, ang dami mo pang arte!” singhal pa niya rito.
“You know, Mel, hindi ko kayang ipagkatiwala ka sa iba sa paggabay sayo sa pangangabayo. Hindi ko kayang isipin na nakasampa ka sa likod ng kabayo nang hindi ako ang kasama mo at mas lalong hindi ko kayang isipin na may ibang hahawak sayo especially now that you're wearing that kind of dress.” he stated huskily.
Napatalikod siya bigla dahil sa sinabi nito. Pakiramdam niya ay pinamulahan siya ng mukha. Umiling siya at hindi na lamang pa binigyang pansin ang mga sinabi nito. Nagpatuloy siya sa paglalakad at hinayaan ito sa pagsunod sa kanya.
“Now, may I know kung sa'n ka pupunta? Ako kasi, balak kong pumunta sa rancho ngayon at kumuha ng kabayo para makapagsimula na tayo sa pagpapraktis mo.” sabi pa nito.
Napalingon ulit siya rito. Oo nga pala’t may dalawang linggo lamang siya upang magpraktis mangabayo kaya dapat ay dalian na niya at 'wag nang mag-inarte pa. “Saan ba?”
Ngumisi na naman ito na ikinatindig ng mga balahibo niya sa batok.
“Follow me.” anito at nilagpasan siya.
Wala naman siyang nagawa kundi ang sumunod dito. Well, ito ang nakakaalam ng lahat ng mga pasikot-sikot dito sa hacienda!
“So, gaano kalawak yung mga kaalaman mo sa pangangabayo?” tanong ng binata nang nakasampa na sila sa likod ni Sebastian at nag-uumpisa na siya sa pagpapraktis.
“Uhm… hindi naman ganoon karami yung mga kaalaman ko sa pangangabayo, konti lang. Just the basics.”
Tumango si Ervin. “Now, show me what you’ve got.”
Sumunod naman siya at hinigpitan ang kapit sa latigo ng kabayo.
Medyo naiilang nga lang siya sa kanilang posisyon ngayon. Dalawa kasi silang nakasampa sa likod ng kabayo, nasa likod niya si Ervin habang ginagabayan siya nito. Minsan pa ay nagugulat siya at bahagyang napapapitlag nang nararamdamang tila hinahawakan siya nito sa kung saan-saan. Sa braso at sa kanyang legs.
Dahil sa uncertainty na nararamdaman, hindi sinasadyang napalakas ang kanyang pitik sa kabayo kaya tila nagwala si Sebastian at tumingkayad para maghandang tumakbo ng mabilis kaya maagap na hinawakan ni Ervin ang latigo para patahanin ito. “Haw! Haw!”
Tumigil at umayos naman ulit si Sebastian. Buti nalang!
“Hinaan mo lang muna, Mel, para marahan lang din ang lakad ng kabayo.” bulong ni Ervin na dala ay kiliti sa kanyang tenga, lalo pa't nang hinaplos na naman ng isang palad nito ang kanyang hita at ang isang braso ay hinigpitan ang pagkakapulupot sa kanyang baywang. Mas napadikit tuloy siya sa katawan ng binata. Bumabangga ang kanyang likod sa matigas at matipuno nitong dibdib.
“Ah, gano'n ba? Sige, hihinaan ko lang.” aniya, sinusubukang balewalain ang mga ginagawa ng binata.
Patience, Mel. Hindi naman siguro niya sinasadya.
Pumitik siya ulit ngunit mahina na sa pagkakataong ito at matagumpay na napalakad nga niya ng marahan si Sebastian. Nakahinga siya ng maluwag.
“Good girl.” bulong ulit nito saka naglakbay na naman pataas ang isang kamay at nanlaki na lamang ng tuluyan ang kanyang mga mata nang maramdamang tumigil iyon sa kanyang dibdib at pinisil pa iyon.
Nag-iinit ang kanyang pisngi at nag-aapoy sa inis na malakas na sinampal niya ito. “Bastos ka!”
Halos natagilid ang ulo ng binata sa lakas ng sampal niya.
Napahawak pa ito sa pisngi at nagtatakang tiningnan siya.
“Ba’t mo ako sinampal?” tila inosente pang tanong nito saka pinatigil si Sebastian.
Kaagad siyang bumaba ng kabayo at tiningnan ng napakasama si Ervin. “Wala sa usapan na hahawak-hawakan at hahaplusin mo ako sa kung saan-saan at mas lalong wala ang hahawakan mo ako sa dibdib!”
“Yan lang pala ang ikinagagalit mo, what's the big deal? Natural lang na mahawakan kita dahil nasa likod mo ako at ginagabayan kang mangabayo. Imposible naman yatang hindi kita mahawakan dahil magkadikit lang halos tayo na nakasampa sa iisang kabayo!” anito at sarkastikong natawa.
“Pero makakapagturo ka naman siguro nang hindi hinahaplos yung legs ko at pinipisil yung dibdib ko! Ang sabihin mo, bastos ka lang talaga!”
Ngumisi ito na ikinatindig na naman ng kanyang mga balahibo sa batok. “Kasalanan mo 'yan.”
“At ako pa talaga ang nakuha mong sisihin sa kamanyakan mo!”
“Sweetheart, I told you to change your clothes earlier. Sinabi ko ring palitan mo ng pantalon ‘yang shorts mo kaya 'wag mo akong sisisihin kung bakit napapadapo paminsan-minsan ang kamay ko sa mga hita mo.” saad nito sa tila naglalambing na tono. Ang landi!
Paminsan-minsan? Hah! Napaismid pa siya sa likod ng kanyang isipan. Ngayon ay natuto na siya. Hindi na talaga dapat siya ulit magsususuot ng maninipis na damit at maiikling shorts kapag nagpapasama siya rito na mangabayo!
Iyon ang itinatak niya sa kanyang isipan kaya magmula no'n ay parating long sleeves or simpleng t-shirt na lamang ang isinusuot niya na ipinapares sa maong na pantalon tapos boots o kung minsan pa ay rubber shoes na lamang sa paa. Enough outfit para hindi na ulit makatsansing sa kanya ang lokong binata.
Isang umaga pa’y nagtitimpla siya ng kape sa kusina para mag-almusal ng mag-isa habang tulog pa ang kanyang mga kasamahan sa mga kwarto ng mga ito dahil gumala at gumimik kagabi kaya napuyat, hindi siya nakasama dahil sa pagod sa buong araw na pag-eensayong mangabayo at siya lang din ang maaga pang nagising. Ganoon na lamang ang pagkabigla niya sa basta-basta nalang na pagsulpot ni Ervin.
"Good morning."
Halos maitapon pa niya ang tinitimplang kape sa gulat sa bigla na lamang nitong pagsulpot sa kanyang likuran at sa mahinang pagbulong nito sa kanyang tainga. Ang aga-aga pa'y amoy na amoy na niya ang panlalaking pabango nito dahil sa lapit nito sa kanya.
"Ginulat mo naman ako!" singhal niya nang hinarap ito habang sapo-sapo pa ang kanyang dibdib.
Marahang tumawa naman ito. "Nagulat ka't maaga pa'y may gwapo na?"
Inismaran niya ito. "Ang feeling-feeling mo! Nagulat ako't maaga pa'y may aswang nang pasulpot-sulpot dito sa kusina! Sus!"
"Aswang?" humalakhak na talaga ang loko. "Sweetheart, hindi ako aswang, at kung magiging ibang nilalang man ako, bampira ako panigurado."
Sarkastiko siyang tumawa. "Vampire? Haha! Edward Cullen ang peg? Gano'n?"
Umiling ito. "Nah, mas gwapo ako ro'n."
"Sus! Hangin!" akmang tatalikuran na sana ulit niya ito ngunit maagap siya nitong pinigilan saka mahigpit na hinawakan sa magkabila niyang balikat.
Naging seryoso na rin ang mukha nito. "You want to know why I want to be a vampire?"
Na-curious siyang bigla dahil sa kaseryosohan ng binata. "Why?"
"So that I can bite you."
"What!" kumunot ang kanyang noo saka inirapan ito. "Ikaw, Ervin, maaga pa't tigil-tigilan mo nga ako sa kalokohan mo!"
Inilapit nito ang mukha nito sa kanya. "Seryoso ako. I want to bite you. Wanna try me?"
Kinabahan na siyang bigla. Anong gusto nitong gawin? Seryoso ba ito? Nababaliw na ba ang lalaking ito?
"Hoy, Ervin, 'wag ka nga!" tinarayan niya ang kanyang boses ngunit bumabakas na talaga mula roon ang kabang nararamdaman niya.
Ngunit imbes na tumigil ay mas inilapit lamang nito ang mukha nito sa kanya habang seryosong nakatitig sa kanyang mga mata. Nang bumaba naman ang mga mata nito sa kanyang leeg ay nagawa pa talaga nitong kagatin ang ibaba nitong labi na tila ba nanggigigil itong kagatin siya sa leeg. Ibig sabihin, tototohanin talaga nito ang sinabi nitong kakagatin siya nito?
Mariing napapikit na lamang siya at napahigpit ang hawak niya sa mug ng kapeng tinimpla nang inilapit naman nito ang mukha sa kanyang leeg. Mahigpit na mahigpit ang hawak niya sa mug na para bang mababasag na iyon dahil sa lakas ng kabog ng kanyang dibdib at pangangatog ng mga tuhod.
"I really want..." he slowly and huskily said. "Coffee."
Inagaw lang naman nito ang mug ng kape mula sa kamay niya saka lumayo na ito sa kanya. Naririnig pa niya ang mararahang halakhak nito habang sinisipsip ang kapeng itinimpla niya.
Namumula ang mukha na idinilat niya ang kanyang mga mata at nakitang halos walang tigil ang pagtawa nito. Pinagtitripan ba siya nito?!
"Moron!" inis na inis na singhal niya na halos umusok pa ang kanyang ilong.
"You know, Mel, you're so cute when you are blushing!" patuloy pang panunukso nito.
"Shut up!" tinalikuran na niya ito nang nagbabaga pa rin ang kanyang balikat sa sobrang inis.
Hindi na ito nagsalita pa. Ilang sandali rin siyang hindi gumalaw sa kanyang kinatatayuan at pinakakalma ang kanyang sarili dahil kung hindi ay baka masampal na naman niya si Ervin sa pangatlong pagkakataon!
Nang mukhang naubos na nito ang kape at inilapag na ang mug sa table ay saka naman siya nito biglang hinawakan sa braso saka dinala palabas ng rest house.
"Hoy, Ervin, sa'n mo 'ko dadalhin, ha!"
Hindi ito sumagot bagkus ay nagpatuloy lang ito papunta sa nakaparkeng sasakyan na Wrangler. Binuksan pa nito ang nasabing sasakyan para sa kanya.
"Hop in." utos nito.
"What? Sa'n ba tayo pupunta saka nasaan ba si Sebastian?”
Ikalimang-araw na sana kasi niya ngayon sa pagpapraktis pero mukhang imbes na kabayo ang dalhin ng binata ay Wrangler pa ang dinala nito!
Nasanay silang kada umaga ay sinusundo siya nito sakay ng kabayo nito o kaya naman ay naglalakad at sabay silang pumupunta sa rancho para kunin si Sebastian. Ngayon lang niya nakitang nagdala ng Wrangler si Ervin.
“Hindi ako pwedeng magturo ngayon dahil maraming delivery ng mga buko at mangga ang ihahatid ko sa palengke at sa mga mall dito sa Koronadal para sa mga order.” sagot nito.
Napatingin siya sa open space sa likuran ng sasakyan nito at nakitang marami nga ang mga naroong sinako-sakong mga mangga at niyog.
Tinaasan niya ng kilay si Ervin. “Mayaman ka pero wala ka man lang mga trabahante para sa delivery ng mga produkto ninyo?”
Ngumiti ito. “Mero'n naman pero gusto ko ring tumulong ng personal sa delivery para madaling matapos lahat.”
Nakakaintinding tumango siya. Okay, suko na siya. Ito na talaga ang hardworking boss s***h trabahante ever!
“So, kailan ka ulit hindi magiging busy?” tanong niya.
“Maybe tomorrow. Tapos naman na 'tong lahat mai-deliver mamayang hapon.”
Tumango-tango siya. “Pa'no ba 'yan? Sige, ingat ka.”
“Anong ako lang?” anito saka ngumisi. “Sasamahan mo ako ngayong araw.”
“What?! Ayoko nga!”
Pa-cute na nag-pout ito ng labi. “Libre ang serbisyo ko bilang pagiging trainer sa pangangabayo mo for two weeks tapos ito lang hihilingin kong simpleng pabor, tatanggihan mo pa?”
Sa huli ay wala siyang nagawa kundi ang sumakay nga sa loob ng Wrangler nito at sumama ng tuluyan dito. Bukod kasi sa pagpapakunsensya sa kanya ay hindi rin siya nito tinigilan sa pangungulit kaya wala na rin siyang nagawa kundi pagbigyan ang nais nito.
“The last ten kilos of mangoes will be delivered to Ace Centerpoint.” pahayag nito nang nagbibyahe na sila sa huling mall kung saan ihahatid ang huling sako ng mangga.
“Babalik na tayo ngayon sa hacienda?” tanong niya nang matapos maihatid lahat ng mga delivery.
Umiling ito at ngumiti ngunit hindi sumagot. Nanahimik na lamang siya. Humanda talaga ito kapag dinala siya nito sa lugar na hindi niya magugustuhan at may gawin na naman kung anong kalokohan sa kanya!