bc

CHASING PAVEMENTS (BRAVE HEARTS SERIES #1)

book_age4+
14
FOLLOW
1K
READ
brave
student
tragedy
bxg
highschool
small town
illness
school
like
intro-logo
Blurb

Isang babaeng gagawin lahat para sa isang lalake, hindi susuko at patuloy na lumalaban. kahit na alam niyang wala naman itong patutunguhan.

Hanggang sa malaman niya ang kaniyang kahinaan, patuloy pa kaya siyang lalaban? o basta-basta na labg susuko at titigil sa kakahabol sa lalakeng kaniyang pinakamamahal?

CHASING PAVEMENTS.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1: MATAPANG
Sabi nila kapag may isang tao kang iniidolo o crush kung tawagin ay hindi ka makatulog sa gabi kakaisip sa kaniya. Hindi ka makakain ng maayos kapag hindi mo ito nasulyapan sa canteen o hindi mo nakasabayan umakyat papunta sa classroom niyo. Ako naman hindi ako mapakali hangga't hindi ako napapansin ni Clyde, gumagawa ako ng eksena para lang mapansin niya ako. Lahat ginagawa ko para makilala niya ako at para mas mapalapit ako sa kaniya. Pero posible kaya na maging kaibigan ko siya? Posible kaya na magkatuloyan kami balang araw? Siguro puwede naman pero kailangan ko lang magpapansin o gumawa ng isang hakbang para makilala niya ako. "Camille! Kinakausap kita!" natauhan ako nang biglang sumigaw si Alice sa tabi ko. Halos mabingi ako sa tinis ng boses niya. "Nakikinig ako Alice," sagot ko naman sabay kulikot sa tenga ko. "Hindi mo kailangan sumigaw," dagdag ko pa. Kanina pa kami naglalakad pauwi at kanina pa siya daldal ng daldal hindi ko alam kung ano na pinagsasabi nito masyadong malayo na siya sa kinikwento niya pero inaamin ko hindi talaga ako nakikinig. Uunahin ko pa ba siya kesa kay Clyde? Eh kailangan ko gumawa ng paraan para maibigay ko ang pinagipunan kong regalo sa kaniya. "Kung nakikinig ka anong huli kong sinabi?" tanong nito. "Oh diba hindi ka makasagot?" wika nito. Si Alice ay kaibigan ko, at kapitbahay namin. Halos parang magkapatid na kami hindi dahil matagal na kaming magkaibigan. Kundi ay pareho kaming naghahabol sa lalakeng alam naming hindi naman namin makuha. Kagaya ko si Alice baliw na baliw din kay Ace Joaquin na kilala din sa paaralan na gwapo at matalino. Pero malayo si Ace kay Clyde, si Ace walang pakiramdam, parang robot at walang pakialam sa paligid. Siguro sa sobrang talino niya hindi na niya na enjoy ang buong pagkabata niya. Muntikan pa nga siyang i-kicked out sa school dahil palagi silang nakikipag debate ng guro niya dahil nga matalino si Ace isang mali mo lang talagang itatama ka niya. "Mamaya na kasi 'yan Alice tulongan mo muna ako kung paano ko maibigay ang regalo ko kay Clyde," wika ko sa kaniya. "Clyde na naman Camille?! Hindi ka ba talaga titigil kaka-Clyde mo?" inis na inis niyang sagot at halong ibagsak niya ang mga bitbit naming kamatis na inani sa aming gulayan. "Tulongan mo naman kasi ako, promise kapag tinulongan mo ako makikinig na ako sa mga kuwento mo, promise!" kontrata ko sa kaniya. Alam ko naman na tutulongan ako ni Alice wala siyang magagawa kapag nagpumilit ako lalo na't para kay Clyde ito. Lahat gagawin ko para mapansin niya lang ako. "Sige bukas sa school, pero hindi ka mahihiya ha! Tatadyakan talaga kita sa harap ni Clyde!" banta pa niya. "Ako mahihiya? Hoy si Clyde Gregorio kaya nag kaharap ko! Kaya kailangan kong sulitin ang oras na magkaharap kami at magkalapit sa isa-isa. Wala kayang may nakakalapit sa kaniya!" sagot ko naman. Walang may nagtatangkang lumapit kay Clyde, lahat natatakot na baka ma-ignore sila at mapahiya. Nagsimula iyon ng may isang babae ang lumapit at nagbigay ng brownies sa kanya ngunit sa araw na iyon ay nagmamadali si Clyde na para bang may emergency at hindi pinansin ang babae. Tinawanan naman siya ng buong estudyante sa hallway at ayon napahiya siya. Siguro lahat ng nakakita ay na-trauma din sa nangyari at natakot na lumapit kay Clyde at baka ma-ignore din. Sikat pa naman kasi ang lalakeng iyon, napakagwapo kasi. Hapon na nang makarating ako sa bahay, pagpasok ko ay halos mabitawan ko ang dala-dala kong basket ng kamatis sa bumungad sa akin. Basag na naman ang baso at nagkalat ang mga pinggan at mga kutsara. "Nay? Anong nangyari?!" gulat ko ng makita ko si Nanay na umiiyak sa loob ng kwarto. "Wala anak, magluto kana ng ulam gutom na ang Tatay mo," sagot niya habang humihikbi. Kumirot na naman ang dibdib ko at bumagsak ang mga balikat ko habang tinititigan lang si Nanay na humihikbi. Hindi ko alam kung paano ko siya patatahanin, hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin. Naaawa na ako sa sitwasyon ni namin ni Nanay, palagi na lang kami ang sinasaktan ni Tatay. Si Tatay ay walang trabaho, inom lang ng inom buong araw at walang magawa kung di ang saktan kami o pagasasabihan ng masasakit na salita araw-araw. Hindi ko alam kung ano ang problema niya at bakit kami na lang lagi ang napagbubuntongan ng galit niya. Iniligpit ko ang mga nagkalat at ako'y nagluto na ng hapunan. Nagsaing na rin ako at habang hinihintay magluto ay saglit kong tinignan ang mga talong aa likod ng bahay namin at ito'y aanihin ko bukas. Para may pambaon ako at dagdag ipon pambili ng mga regalo ko kay Clyde. "Luto na ba nag ulam!" nang marinig ko ang boses ni Tatay ay dali-dali akong tumakbo papasok ng bahay. Kumuha ng plato at nilagyan siya ng ulam sa pinggan at kanin. Ito ang ginagawa ko araw-araw para lang hindi niya kami saktan ni Nanay. Gusto ko nga siyang ipakulong eh kahit na Tatay ko siya. Simula bata pa lang ako wala akong kabutihang nakita na nagawa niya, halos hindi na nga ako nasasaktan sa mga paulit-ulit niyang sinaabi. Sa mga pananakit niya. Pero ayaw ni Nanay na isumbong siya sa pulis. Kahit na ganito na ang ginagawa niya sa amin e mahal na mahal pa rin siya ni Nanay. Swerte niya lang talaga. Pero sinasbi ko kapag na sinaktan niya ako ulit talagang lalaban na ako sa kaniya. Sobra na siya eh, halos gawin niya akong punching bag tuwing lasing siya. "Tuyo?! Ito na lang ba araw-araw ang ulam!? Ano 'to? Ba't puro kamatis?!" reklamo niya. "Ginisang kamatis Tay, pares sa tuyo masarap ho iyan," sagot ko. "Simula bukas ayoko na makatikim ng tuyo! Kapag nakakita ako ng tuyo sa lamesa ipapalamon ko sayo lahat!" singhal ko. "Edwin wala tayong pera pambili ng masarap na ulam," kalmadong sabat ni Nanay. Sinitsitan ko si Nanay na tumahimik nalang at huwag na kumontra at baka bugbugin na naman siya. "Edi maghanap kayo ng pera! Bwesit!" "Sige Tay, bukas bibili ako ng masarap na ulam pangako ko iyan," sagot ko habang nakatingin lang kay Nanay. Pero kinakabahan na ako at baka mag-away na naman sila kaya hindi na rin ako kumontra. Ayoko makita si Nanay na nahihirapan at nasasaktan, ayokong makita siyang umiiyak. Sobrang bigat sa pakiramdam nakakatunaw ng puso. Kaya mas mabuting pakisamahan na lang muna namin si Tatay at mahirap na baka mabugbog na naman siya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
97.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.0K
bc

His Obsession

read
74.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook