CHAPTER II

1361 Words
Napapamangha ako ng makarating na ako sa mansyon ng mga Martinez. Hindi dahil sa ngayon lang ako nakapunta dito. Nokng maliit pa lang ako, madalas kami dito pumunta kasama ng mommy at daddy ko. But after my mom past away, hindi na ulit ako nakatungtong pa dito. I’ve lived my life to the fullest in order for me to cope up sa pagkawala ni mom. Kahit saan ako lumingon, I saw flowers and non flowering plants. Mula sa hallway na dinadaanan ngayon ng kotse ko at marahil ay hanggang sa mismong pintuan ng mansyon. Siguro, kong may ikakasal dito, makakatipid na sila ng gagastusin sa flowers. Hindi na rin kailangan ng event designers. Malapit na ako sa bungad ng mansyon nga may sumalubong sa akin na dalawang lalaki. Bumaba ako ng kotse ko at inabot ang susi sa lalaking naka sout ng unipormeng pang valet. Ang isa naman ay inakay ako patungo sa bungad ng pintuan ng mansyon. Alam kong inaasahan na nila ang pagdating ko dahil sa ipinagbigay alam ito kanina ng gwardya sa labas ng gate. Pinagbuksan ako ng pinto ng kasama kong butler dito sa mansyon. Sumunod naman ako ng igiya niya ako sa loob ng masyon. “Hija” Naka open arms na pagsalubong sa akin ni Mrs. Martinez, ang asawa ng matalik na kaibigan ni Dad. “Good afternoon po tita” Bati ko sa ginang at pagkatapos ay tinugon ang uakap nito. Bagaman matagal na ng huli akong maka punta dito, ay madalas naman ako kamustahin ng ginang sa telepono o di kaya ay sa social media, kung kaya nananatiling malapit pa rin ako sa mag asawang Martinez. Matapos namin maghiwalay ay hinaplos pa niya ang mukha ko. “How have you been? Mas lalo kang gumanda at tumangkad” Parang bata pa itong tuwang tuwa na kumabit sa braso ko. “I’m doing fine Tita. Medyo busy lang sa work at sa school that’s why” “Naku, ito talagang batang ito. Ay hala, doon na muna tayo sa garden. Malilim doon at sariwa ang hangin.” Tuwang tuwa na pag anyaya nito. Naka kapit pa rin siya sa braso ko nong naglalakad na kami patungo sa garden. At na mesmerized ako ng bumungad sa akin ang kanilang malawak na hardin. Sa gitna ay may malaking fountain. Meron lamang nagsisilbing aile sa ginawang man made na fish pond. Sa gilid ng fish ponds ay ang mga naka plorerang makukulay na bulaklak. Sa gitna ng ailse ay may dalawang ratan na bilog na duya, paharap sa fish pond. Siguro ay masarap umupo doon tuwing gabi o hapon kapag hindi mainit. “Opo ka muna hija, habang inaantay natin ang ipinahanada kong meryenda” Kasalukuyan kaming nadito sa labas ng terrace na nakaharap sa garden. Inilapag ko muna sa gilid ng upuan ang maliit na purse bag na dala ko bago ako umupo. Si Tita Xyrus naman ay umupo malapit sa pinto papasok ng bahay. Totoo ngang mas masarap tumambay rito, malilim at sariwa ang hangin. “You like it here?” Tanong ni Tita Xyrus na nararamdaman yata ang pagkamangha ko sa lugar. “So much Tita. I never thought na nag renovate kayo?” Tanong ko sa kanya dahil sa noong huling punta ko dito ay ibang ibang na sa ngayon. Sakto namang dumating ang dalawang katulong na may dalang pang meryenda at kape. I saw her, helping out the maids at ipinwesto niya sa tabi ko ang isang cup ng kape at sliced of cake. “Oh no hija. Hindi talaga kami ang nagpa renovate ng bahay. Ito kasing si Dave, I don’t know what happened but recently, he seems to be in a good mode. Napansin niyang medyo nagmumukhang old fashion na daw ang bahay, so he hired some interior designers. And believe it or not, he almost changed every single details of this house, buti na lang at nakinig naman siya sa payo ko.” Kwento niyang may bakas ng pagiging proud aa anak. “Really Tita? Wow, that’s something I didn’t expect from Dave.” I just said it out of amusement. “We all didn’t expect it too. Ang tantiya nga namin ay baka mag aasawa na siya at dito niya balak itira.” She said as she sip her coffee. I just shrugged my shoulder and take a sip of my drinks as well. “Did I hear my name?” A man in suit came in. He’s tall, siguro ay nasa 6’ or something, with clean hair cut, maputi, matangos ang ilong at labas ang dalawang malalalim na biloy. He bend over para magbeso sa ginang. “Hija, do you remember? Si Dave Daniel, panganay namin na anak.” He look at me with a poker face. Just like before, mukha pa rin siyang nagpapasan ng mundo. “You grow up so fast.” Pansing bati niya sa akin sabay abot ng kanang kamay niya bilang pakikipag kamay. “Of course Tita.” Sagot ko kay Tita Xyrus, sabay abot ng kamay ko ng naka upo sa naka abot na kamay nito. “And you look the same. Always in a stern face, and in a suit. Pormal na pormal.” Dagdag ko na kay Dave na naka harap. Ngumiti pa ako para mas lalo itong pikunin. Pero gaya ng dati. Wala itong reaksyon, ni hindi man lang ito na offend. Binawi ko na ang kamay ko matapos naming magkamay ng ilang segundo. “I just got off from work, of course I’ll be in suit.” He hissed. I chuckled. “Oh my, sorry. Did I offend you? Wow, that’s new” “Mom, aakyat na po ako. “ Papapaalam nito sa ina na naka poker faced ulit at hindi man lang ako nilingong likod. Mas lalo akong napahagikgik, I feel like I’ve won a fight. Habang si Tita Xyrus ay nakita kong pangiti ngiti lang. Ng maka alis si Dave ay nakapag kwentuhan pa kami ni Tita Xyrus. Napatingin si Tita Xyrus sa relong pang bisig niya. “Mag a alas sais na pala. Ang mabuti pa siguro hija, ay maiwan muna kita rito. Dito kana mag dinner at ipag luluto kita.” “Ah hindi na po Tita, pupunta din po kasi ako sa birthday party ng pinsan kong si Angelica.” Mabilis na pagtanggi ko, na totoo naman talaga dahil pagkagaling ko dito ay dederetso na ako sa mall at bibili ng pang regalo para sa kaarawan ng pinsan kong si Angelica. “Ah ganoon ba? Kung ganoon ay sumabay kana kay Dave, papunta din siya doon dahil inimbitahan siya ng pinsan mong si Calisto.” “Hindi na po Tita, dala ko po ang kotse ko, at isa pa po ay dadaanan pa ako sa mall para ibili siya ng regalo.” “Ano ka ba namang bata ka oo, pwede mo namang iwan muna dito ang kotse mo, ipapahatid ko na lang sa inyo, dito ka muna sandali at tatawagin ko na si Dave para hindi kayo gahulin sa oras sa pagbili ng regalo.” Pagkatapos nitong sabihin ay dali dali na itong umakyat. Napa iling na lang ako ng maka alis ito. I already know that Mrs. Martinez is a woman full of persistent, kaya usually, walang nakaka hindi sa kanya dahil sa persistence nito. But I smiled kapag na iisip ko na she’s almost lime my mother, charming din iyon kapag ipinagpupumilit ang gusto. Ilang minuto lang at nakita ko na si Dave na inaalalayan nito ang ina sa pagbaba ng hagdan. She’s strong and looking young at age fifty. At ang alalayan siya ay hindi na kailangan. Pero ang eksenang nakikita ko ay nagpapakita na maganda ang pagpapalaki nito sa mga anak. “Are you ready? Antayin mo na lang ako sa pinto, ihahanda ko lang ang sasakyan.” Ani Dave at humalik pa sa noo ng ina bago umalis. “Halika na hija, saaamahan na muna kita sa pinto habang hinahanda pa ni Dave yung sasakyan.” At inakay naman ako ni Tita Xyrus patungo sa bukana ng kanilang pintuan. Ilang minuto lang kaming nag antay doon ay agad namang pinarada ni Dave ang kanyang kulay itim na mustang para makasakay na ako. Nagpa alam na ako sa ginang. “Mag iingat kayo! Hija, alagaan mo ang anak ko doon ha! Huwag mo siya hayaang uminom ng marami at magmaneho ng naka inom.” Hindi ko alam kung bakit ngunit nagtayuan ang mga balahibo ko sa tinuran nito. Hindi ko alam ang sasabihin kung kaya napa opo na lang ako at sabay na nakipag beso beso rito. Boung biyahe ay tahimik lamang kaming parehi, maging noong dumaan kami sa mall para bumili ng pang regalo naming pareho. Hindi rin pala ito naka handa ng pang regalo kung kayat sumama ito s akin sa pamimili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD