Naglakad-lakad nang hapong iyon si Luther kasama si Harmie sa malawak na bakuran ng Mansyon. Plano din ng binata na maglakad -lakad ito sa labas at sa kabukiran kapag medyo okay na talaga ang pakiramdam niya.
"Tubig Senyorito?" Alok ni Harmie nang makita nitong humihingal na si Luther.
Naupo naman si Luther sa bermuda grass at tahimik nitong inabot ang kanyang tumbler na hawak ni Harmie. Naupo naman si Harmie sa tabi ni Luther at napagmasdan nila pareho ang paglubog ng araw. Medyo mababa na kasi ang bakod ng bakuran sa may bandang dulo dahil may daanan doon papuntang bundok. Kung nasaan naroon ang kanilang mga palaisdaan at mga babuyan maging ang kanilang manukan.
"Ang ganda talaga ng paglubog ni haring araw, tapos ang ganda din ni Reynang buwan sa gabi." Sabi ni Harmie na nakangiti.
Naudlot ang paglunok ni Luther sa last na tubig sa loob ng kanyang bibig.
"Noong bata ako akala ko palipat-lipat si Reynang buwan akala ko lang pala 'yon!" Natatawa pang wika ulit ng dalaga.
"Bakit mo sinasabi sa akin 'yan?" natanong naman ni Luther.
"Hindi ko naman sinasabi sa'yo Senyorito, sarili ko naman ang kausap ko. Kung ayaw mong makinig, takpan mo na lang ang mga tainga mo!" Sagot ni Harmie nang lingunin niya ang binata.
"At ako pa talaga ang maga-adjust?" maang na tanong ni Luther.
"Alangan naman ako Senyorito? Hayan si haring araw o, pinagmamasdan ko siya. At hindi mo siya pinapansin kaya puwede mo ring gawing hindi narinig ang mga sinasabi ko hayyts!" Napapalatak na tugon ni Harmie.
Napakurap-kurap naman si Luther naisip niya may punto naman ang dalaga.
"Doon ka ba sa Manila lumaki Senyorito?" biglang tanong ni Harmie.
"Why?"
Tiningnan naman ni Harmie si Luther mula ulo hanggang paa.
"Ngayon lang kasi kita nakita dito, noong dinala ako nina Inay dito ang agad kong nakita ay 'yong dalawang playboy mong kapatid." Aniya.
Napatikhim naman si Luther.
"Pero kakaiba ka Senyorito," sabi pa ni Harmie.
"Paano mo naman nasabi?" tanong ng binata.
Nailagay naman ni Harmie ang hintuturo niya sa kanyang labi habang nakatingin kay Luther.
"Iyong dalawa...sutil at mahangin habang ikaw...mailap na tahimik at may pagka-sungit." Anito.
Napataas ang isang kilay ni Luther.
"Ganoon?"
Tumango naman si Harmie na binawi na nito ang tingin kay Luther.
"Kung ganoon, tanggal ka na bilang personal maid ko." Walang habas na sabi ng binata.
Napahagikhik naman si Harmie.
"Anong nakakatawa? Tanggal na nga nagagawa mo pang tumawa?" May inis sa boses ni Luther.
"Istrikto ka din pala Senyorito! Pero okay lang na tanggalin mo ako basta katulong pa din ako dito sa Mansyon." Sagot ng dalaga.
Napabuga naman nang hangin si Luther hindi niya inaasahang masayahin talagang dalaga si Harmie. Naisip ni Luther na magandang kasama ang dalaga kapag may pinagdadaanan ka sa buhay. Tiyak pansamantalang mawawala ang iyong pagka-lumbay ng dahil sa mga problema.
"Papaano kung ipapatanggal din kita bilang katulong dito sa Mansyon?" Giit naman ni Luther kay Harmie sinusubukan niya ang dalaga.
Napalabi naman ang binata at muli nitong pinagmamasdan ang papalubog na araw.
"Okay lang din Senyorito. Puwede naman akong magtrabaho sa mga charity works ng inyong pamilya!" Anito.
Napaawang naman ang labi ni Luther mataman nitong pinagmamasdan si Harmie. Hindi siya makapaniwalang isa itong special lady kagaya ng sabi ng lahat. Dahil para sa kanya ay normal lang naman ang dalaga sa katunayan nga ay matalino ito ayon sa kanyang observation.
"Harmie bakit ka nagkasakit?" Wsla sa sarili ni Luther na naitanong.
Natanong na niya kay Yaya Digna subalit wala naman itong sinabi bukod sa mahabang kwento daw. Napaisip naman si Harmie at muli nitong tiningnan si Luther na naghihintay ng kasagutan sa tanong nito.
"Sabi ni Inay nagkasakit ako nang malubha kaya marami ang naaapektuhan sa aking katawan. Ayaw naman niyang sabihin lahat at maiiyak lang daw siya. Basta ang sabi niya malubha daw kaya hanggang ngayon nagte-therapy pa ako at may iniinom ding gamot Senyorito." Paliwanag ng dalaga.
Lihim namang napabuntong-hininga si Luther malabo pa din ang kasagutan sa kanyang tanong kaya pinili nitong manahimik na lang.
"Balik na tayo ng Mansyon," yaya na lamang ni Luther kay Harmie nang tumayo na ito.
"Senyorito nasa Mansyon ka pa din naman ah hindi ka kaya umalis." Natatawang sagot ni Harmie pero tumayo na din ito.
Napakurap-kurap naman si Luther at totoo na naman ang sinabi ni Harmie. Pero kung malaki ang common sense mo makukuha mo ang ibig sabihin ng binata.
"I mean sa loob!" Bawi ni Luther at naglakad na ito.
Hindi naman na umimik pa si Harmie at tahimik na itong sumunod kay Luther bitbit ang tumbler ng binata. Hinayaan na lamang ni Harmie na mag- jogging si Luther pabalik sa main door ng Mansyon. Pakanta-kanta na lamang ito habang naglalakad lang na nakasunod sa kanyang Senyorito.
"Anong gusto mong lulutuin ko na ulam mo ngayong dinner Senyorito?" Pahabol na tanong ni Harmie kay Luther nang makita nitong paakyat na sa may hagdan ang binata.
Huminto naman si Luther at nilingon niya ang dalaga.
"May listahan naman akong binigay sa'yo iyon na lang ang sundin mo. Ayokong masira ang diet ko," sagot ng binata.
"Ganoon po ba? Sige po malinawanag, Senyorito." Tugon ni Harmie at siya naman itong nagtungo sa malaking kusina.
Ipinagpatuloy naman ni Luther ang pagpanhik sana nito sa taas papunta sa kanyang kwarto. Pagkatapos uminom si Harmie ng tubig ay tinungo din nito ang kanyang kwarto sa may Maid's quarter. Titingnan nito ang kanyang lulutin para sa dinner ng kanyang Senyorito.
"Manok lang pala na deep fry tapos salad na may kasamang pomegranate." Bulong ni Harmie sa kanyang sarili.
Muli nitong sinipat ang menu ng dinner ni Luther at ikinabesa niya ang procedure no'n.
"Kaya ko ito, kaya natin ito self ikaw pa ba?!" Pagchi- cheer up ni Harmie sa kanyang sarili at muli na itong lumabas mula sa kanyang silid.
"Anong uulamin ng Senyorito mo Harmie?" Tanong ni Mona sa anak nang maratnan niya ang dalaga sa may kusina.
"Deep fried lang po na tatlong chicken cuts tapos nasukat na kanin, salad po at dessert na grapes Inay." Masayang sagot ng dalaga.
"Ganoon ba? Aba ay sarapan mo ang iyong luto!" Natutuwa namang wika ni Mona
"Aba, siyempre naman po Inay no worries po!" Masiglang turan ni Harmie.
"Ang gamot mo din anak huwag mong kalimutang inumin. Siyanga pala may check up ka bukas tatandaan mo 'yan!" Saad ni Mona habang kumukuha ito ng bawang at sibuyas sa basket.
"Opo Inay salamat," sagot ng dalaga at sinimulan na nitong ihanda ang mga lulutuin nito.
"Mabuti naman kung ganoon. O, siya anak parating na si Digna siya ang magluluto ng dinner ngayon." Wika ni Mona.
"Ano naman po kung parating na siya?" Tanong naman ng dalaga na nagtataka ang mukha nito.
"Kaya bilisan mo diyan para hindi ka makagulo sa gagawin niya." Utos naman na ni Mona sa anak nito.
"Hindi naman ako panggulo Inay alam ko naman pong magluto." Medyo malungkot na tugon nito.
"Oo na ikaw na anak!" Sabi na lamang ni Mona para hindi na pa magtanong nang magtanong si Harmie.
Napahagikhik naman ang dalaga at sinimulan na nitong lutuin ang manok na siyang uulamin ni Luther sa gabing iyon. At habang nagpi-prito ito ay gumagawa din siya ng salad ayon sa kagustuhan ni Luther maging ang prutas na panghimagas nito.