WALANG pagsidlan ang kaligayahan sa puso ni Lily dahil sa wakas ay naging maayos na rin ang lahat. Siguro matatagalan pa bago mawala ang pagkailang niya kay Conrad Ventura pero kaya niya itong ituring na parang isang tunay na ama na gaya ng hinihiling nito. Bago umalis sa hotel ay nagkausap pa sila ni Caden. Nagpaalam ito sa kanya na magre-resign na sa Pizza house dahil may balak itong mag-aral. Masaya naman niyang tinanggap iyon. Alam niya na magiging maayos na ito at kapatid na ito. Gusto pa sana niya itong kausapin nang mas matagal pero hindi na siya nabigyan ng pagkakataon pa sapagkat kinuha na ang atensyon nito ng ama nito. Gusto pa sana niya itong tanungin kung paano ito kinausap ng kanyang asawa at ni Conrad. Na-curious siya sa kung ano ang reaksyon nito lalo na’t nalaman niya na