CHAPTER THIRTEEN

1325 Words

WALANG showing na horror sa sinehan kaya sa halip ay romantic-comedy na lang ang pinanood nila. Nag-e-enjoy si Lily. Nasa kaligitnaan na ang pelikula at kanina pa siya kinilig at tumatawa. Kabaliktaran ng katabi niyang si Colt na simula nang pumasok sila ay hindi na umiimik. Napilitan lang kasi ito na panoorin ang pelikulang iyon. Mangilan-ngilan lang ang tao sa loob ng sinehan. Sa katunayan ay silang dalawa lang ni Colt ang nakaupo sa linya na iyon ng upuan. Napatuwid ng upo si Lily at nawala ang ngiti sa labi nang humantong sa bed scene ang dalawang bida. Hollywood movie iyon at expected na talaga na may ganoong eksena. Akala rin niya ay hindi siya mahihiya dahil pelikula lang naman iyon. Pero pinanuyuan siya ng lalamunan. Biglang na-concious. Sumisim na lang siya ng softdrink at wala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD