“MGA inutil!” Nangangakaiti sa galit na sabi ni Conrad sa kanyang mga tauhan. Masayang pang binalita sa kanya na nagawa na ang misyon pero puro kapalpakan naman ang ginawa. Una, pinag-uutos niya na dapat nakahubad si Lily para lubusan na maniwala si Colt pero nakalimutan daw gawin ng mga inutil dahil sa pagmamadali. Napagplanuhan niyang mabuti ang lahat. Pulido. Sinigurado niyang walang butas na masisilip ang kanyang anak. Humantong pa siya sa punto na bumili siya ng malaking share sa skycrapper building kung saan mayroong unit si Colt kung kaya na manipula niya ang mga security measurement na pinapairal sa nasabing building. Hindi na nahirapan ang mga tauhan niya sa pagdala doon kay Lily at sa empleyado nito kahit mga walang malay. Naging madali rin sa kanya ang lahat dahil hindi pinali