NATIGILAN si Lily mula sa pagsusulat sa kanyang inventory book nang bigla na naman pumasok sa kanyang utak si Colt. Sa susunod na araw ay babagsak na ito. Magmimistulang ibon na mababalian ng pakpak. Wala itong ideya sa kung ano ang pinirmahan nito. Kasulatan iyon na pinagawa niya sa kanilang Attorney na binibigay na nito ang lahat ng karapatan sa kanya tungkol sa mga ari-arian nito. Sinamantala niya ang pagkakataon na nangangailangan ng malaking pera ang lawyer ni Colt. Napag-alaman niya na nagumon ito sa Casino at halos gabi-gabi nagsusugal. Ngayon ay nagdeklara na ito ng bankruptcy kung kaya kinuntsaba niya ito na hahatian ng malaking halaga kung gagawin ang nasabing kasulatan. Nangako lang siya dito na siya na ang bahala kay Colt. Nagtatalo ang kanyang utak at puso. Hindi niya alam