LIHIM na nakakuyom ang kamao ni Caden habang kaharap si Conrad Ventura. Nanatili siyang walang emosyon sa harap nito ngunit ang totoo ay nagpupuyos na sa gaalit ang kalooban niya. At sa mga sandaling iyon wala siyang ibang gusto gawin kundi ang suntukin ito. Ni hindi man lang nito naalala kung sino siya. Ni hindi man lang ito nagtaka kung bakit pareho sila ng kilay, mata, ilong at bibig. Oo, si Conrad ay walang iba kundi ang kanyang ama. Desisyete anyos lang noon ang kanyang ina nang mamasukan na katulong sa mansyon na pagmamay-ari ni Conrad at ng asawa nito noon. At dahil maganda ang kanyang ina ay kaagad itong natipuhan ni Conrad. Lihim na niligawan. Pinaibig. Hanggang sa magkaroon ng relasyon. Hindi nagtagal ay nabuntis ang kanyang at hindi kayang panindigan ni Conrad. Bagkus ang solu