"GO ahead, son. Kung ang pag-iyak mo sa harapan namin ng Daddy mo ang makapagbigay ng daan upang bumalik ka sa dating ikaw ay sige lang, anak. Pasensiya ka na kung ngayon ko lang nabuo ang bawat senaryo." Umiiyak na yumakap si Ginang Shainar Joy sa anak na hilam ng luha ang buong mukha. Wala man silang narinig o hindi man ito nagsalita at sumagot sa tanong nilang mag-asawa ay sigurado na aila aa rason kung bakit nagbago ang pakikitungo sa mga babaeng nagpapakita ng motibo rito. "Kung noon ay lagi ka naming pinipilit na magsalita at ibahagi sa amin a dahilan mo, kung ano ba ang nangyari. Iba ngayon, anak, ako na mismo ang nagsasabing step by step. Dahil kagaya nang sinabi ng Mommy mo, patawarin mo ang Daddy dahil hindi namin naisip ng mas maaga ang tungkol diyan," dagdag turan pa ni Ginoo