HINDI SIYA LULUHOD

1579 Words

"WELL, well... You are here, finally. What makes you change your mind, honey?" Malandi at mapang-akit na saad ni Krizel habang pakendeng-kending na lumapit sa kinaroroonan ni Jovanni. "Wala ka na roon, Krizel. Ako ang nararapat na magtanong. Hinayaan ko kayong dalawa ni Rudy na mamuhay ng maayos sa labas ng selda. Ngunit bakit kayo bumalik dito sa Baguio? Bakit hindi n'yo rin ako hayaang manahimik?!" Mula sa malumanay ay naging mabalasik ang tinig ni Jovanni. Oo! Nagpaalam siya sa asawa na may dadaluhang meeting sa La Union. Ngunit imbes na magtungo roon ay kinatagpo niya ang mga taong dagdag sa sakit ng kaniyang ulo. "Iyan ang malaki mong problema, Harden! Masyado kang mabait sa mga taong nakapaligid sa iyo! Inaabuso ka na nga pero pinapatawad mo pa. Kaya't magtiis at magdusa ka!"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD