"YOU are drinking again, son. May problema ba?" tanong ni Grandma Shainar Joy sa anak. Ilang taon na rin ang lumipas. Limang taon na nga ang nakalipas simula nagsunurang binawian ng buhay ang mga butihin niyang biyanan. Patunay lamang na lima na ang apo niya rito ganoon din sa kakambal nitong si Jonathan Ross. Dahil anim ang apo sa panganay na anak. Ang panganay ngang apo ay mayroon ng stable job. Si Marc Terrence ay nasa first year high school. Ang nag-iisang babae na si Jamie Joyce ay graduating sa elementarya. At ang kambal ay grade five. Tinuloy-tuloy naman kasi ng mag-asawa ang taunang pagkakaroon ng anak. Ngunit masasabi nilang bunso na ang mga ito. Dahil wala naman daw ginagamit ang dalawa ngunit talagang wala ng sumabit sa mahiwagang bulaklak ng manugang. "Anak, kinakausap ka