"ANAK, aba'y kahit naman gustong-gusto mong pakasalan ang iyong kasintahan ay bakit ka nagmamadali? Susme, kahit man lang sana magulang mo ang iyong sinabihan. Kaso wala kahit isang witness." Pangangantiyaw ni Attorney Cameron o ang kapatid ng ina ni Jovanni. "Tiyuhin naman po kita, Papa. Aba'y kung witnesses ang hinahanap mo ay nandiyan din sina Grandma at Grandpa. Kaya't magmadali na po. Here are our wedding rings." Alam naman niyang nagbibiro ang tiyuhin kahit pa may katotohanan sa ang lahat. Kaya nga sinakyan niya ang biro nito. Kaso ang kaniyang asawa ay hindi yata sanay. Kaya't bahagya siyang siniko. "Magdalene Hija, sigurado ka bang hindi ka pinilit omat tinakot ng pamangkin ko? Dahil kung sapilitan lamang ang pagpakasal mo sa kaniya ay mas mabuting huwag na nating ituloy ang ka