"ANO'NG kailangan ninyo? Bakit kayo pumarito?" sunod-sunod na tanong ni Magdalene sa mga hindi inaasahang panauhin. "Talagang makasarili ka ano, Ate? Hah! Pinabayaan mo na nga kami sa mahabang panahon, ngayon naman ay gusto mong solohin ang magandang buhay? Huwag kang gamahan, ATE!" Malakas at maangas na tugon ni Andy. Papasok na nga sana ito sa malaking gate subalit hindi siya pumayag. Kaya't hinila niya ito pabalik sa labas. "Kung hindi ninyo iniwan sa Ilocos Sur ang inyong kahihiyan ay maari na kayong umalis. Dahil wala akong planong papasukin kayo sa loob. At huwag na huwag kayong magpumilit dahil talagang hindi ninyo magugustuhan ang aking gagawin." Mahina man pero mabalasik ang pagkasabi ni Magdalene. Walang karapatan ang mga itong sundan at ipahiya pa siya sa mismong tahanan ng