"KUMUSTA na siya, anak? Look at him, hanggang sa pagtulog niya ay ang kaniyang ina ang sinasabi," tanong ni Grandpa MJ sa anak na si Janellah. "Hindi na po iyan nakapagtataka, Daddy. Dahil simula pa noong isinilang siya ni Dalene ay magkasama na sila. Nasaksihan nating lahat ang kanilang closeness. Ang nakakatakot nga ngayon ay kung paano natin ipaliwanag sa kaniya ang lahat. Anim na taong gulang lamang siya. Ngunit aminin man natin o hindi ay malalim na ang pang-unawa. Patunay na lamang ang pagwawala kanina. Huwag daw sumama ang Nanay niya dahil wala silang kasalanan. Kung paano nagalit dahil nag-sorry pa ang ina samantalang pinaratangan lamang daw ito. Kung mayroon daw hihingi ng paumanhin ay ang mga bad people." Sa pagkaalala sa nasaksihang pagwawala ng apo sa pamangkin ay hindi naiw