"SA unang pagkakataon ay napadpad ka rito sa Madrid, hipag. Pero sa ganitong sitwasyon pa. Still, welcome here in our home." Masayang sinalubong ni Aries ang mga bagong dating. Ang younger brother niya at ang asawa nitong sunog ang mukha dahil umano sa isinaboy na asido ng kapatid nito. At naging dahilan ng pagkabulag. "Oo, hipag. Maligayang pagdating dito sa Madrid. Since na ready na ang lahat ay ipahinga mo na ang katawan at isipan. Dahil mamayang hapon na tayo pupunta sa pagamutan." Pagsegunda pa ni Enrico Kaso bahagya namang siniko ng asawa. "Aba'y direct to the point, baby loves ko?" Hagikhik nito. Kaya naman ang sightless woman na bagong salta sa Madrid ay napangiti. "Maraming salamat sa inyong lahat mga Kuya at Ate. Thank you sa inyong lahat. Kung hindi dahil sa inyo ay pahira