"HINDI puwede ang nais mo, Ma'am. Maaring tauhan lamang kami sa bahay na ito ngunit hindi ibig sabihin na maari namin silang mapahamak." Mariing pagtutol ng nakatukang guwardiya. Nais namang mainis ng babae dahil sa tinuran ng kausap na guwardiya. "Pero importante ang sadya ko, brother. Kahit sino sa mga amo mo ang iyong sabihan. Pero kung ako sa iyo ay si Magdalene," aniya. Kaso mas tumubo ang inis niya dahil mukhang mas nagdusa ito sa kaniya. "Ay mas hindi kita mapagbigyan sa bagay na iyan, Ma'am. Dahil sa amin nadisgrasya na si Ma'am Magdalene. Kaya't pasensiya ka na talaga, Ma'am---" Subalit bago pa matapos ng guwardiya ang pananalita ay hinablot na ito ng babae. "Pasensiyahan na rin tayo, Brother. Ngunit kailangan kitang hablutin kung kinakailangan. Kung ako sa iyo ay bilisan mo