Nagising siyang masakit na masakit ang katawan niya halos hindi siya makatayo ng pinilit niyang bumangon.Lumingon pa siya sa kabilang side ng higaan at tiningnan kung may katabi pa siya pero wala na siyang katabi pa. Pinilit na niyang bumangon para maligo at maginhawaan ang katawan niya at mawala ng kaunti ang sakit na naramdaman niya lalo na sa gitnang bahagi ng katawan niya.Paika-ika siyang naglakad patungong banyo para makaligo na. Nagbihis kaagad siya ng makatapos siyang maligo at lumabas ng kwarto as usual mag isa naman siya ulit maaga na naman siguro ito umalis at iniwan naman siya.Magluto na lang siya ng makakain niya ano pa ba ang asahan niya sa asawa,kahit siya ang katalik nito ay ibang babae pa rin ang nasa isip at ang mahal nito tumulo na naman ang luha niya sa nangyari kagabi