Hindi halos pinatulog buong magdamag si Veronica ng kaisipan tungkol sa nakita niyang batang sinundo ni Sabrina sa Preschool Center… Kahit na magpabiling-biling siya sa kanyang higaan ay hindi siya dalawin ng antok. Kanina din habang nagre-review ng notes ay hindi siya ganoong nakakapag-focus dahil laman pa rin ng isipan niya si Sheena. Bakit gano’n? Bakit kahawig na kahawig mo si kuya Vito at bakit gano’n na lang ang nararamdaman ko sa ‘yo? Para bang ang gaan kaagad ng pakiramdam ko kahit sa unang pagkakataon pa lang na nasilayan kita… para bang gusto kong makita ka ulit, makasama, maka-bonding… Medyo masakit tuloy ang ulo niya dahil kulang sa tulog nang umaga na't kailangan na niyang bumangon at may pasok pa siya sa eskuwela, may long quiz pa sila sa isa sa mga subjects niya. "Veroni