“Layo ng tingin natin, ah?” Napatingala si Sabrina kay Vito nang maupo ito sa katapat niyang upuan at sa pagitan nila ay mesa. Katatapos lang ng klase nila at nagkasundo silang kumain na muna sa malapit na cafeteria. Si Vito ang pumila doon sa counter para magbayad ng order nilang pagkain. Si Sabrina namang nauna dito sa table nila at naupo ay heto na nga’t malayo ang tingin. May iniisip kasi siya. “Ang lalim yata ng iniisip mo. Ako ba ‘yan?” Ngumisi pa ito sa birong hirit. Nangiti na lang din siya sa kapilyuhan nito. “Loko. Hindi, ‘no!” “Ah, gano’n? Ouch naman!” Humawak pa ito sa may bandang dibdib at umarteng para bang nasaktan doon. Magiliw na napahalakhak siya sabay mahinang hampas sa braso nito. “Ikaw talaga! Gusto mo laging ikaw na lang laman ng isip ko!” Malutong na tumawa