"BAKIT po kaya nag-iiyakan 'yung mga bata?" nag-aalalang usisa bigla ni Veronica sa school guard na nakabantay sa gate ng paaralan nina Sheena. "Hay, away-bata, malamang, ineng," sabi lang naman ng school guard. Nakasunod ang mga mata niya kina Sheena at sa isa pang batang umiiyak din habang akay ang mga ito ng isang teacher. Papunta yata sa office para mapag-usapan at ma-settle ang kung anumang naging problema. Kararating lang kasi niya tapos heto at pagsilip niya sa gate, tamang nakita niyang lumabas mula sa classroom si Sheena na umiiyak at ang isa nitong kaklase habang akay ang mga ito ng guro. Hinatid nu'ng nasabing teacher ang bata sa loob at may pinuntahan pang isa pang teacher mula sa kabilang classroom. Sandaling nagkausap ang dalawa tapos ay tumangu-tango 'yung guro na iniwa