Humawi sa buhok ni Sabrina ang isang kamay ni Vito at sinalikop ‘yon saka kinulong sa kabilang balikat niya upang mas magkaroon pang lalo ito ng access sa kanyang leeg. Ramdam na ramdam niya ang mainit at mabangong hininga nito sa leeg niya, bagay na halos magpatindig sa kanyang mga balahibo hindi lang sa batok kundi sa buong katawan at sa kasuluk-sulukan ng mga butu-buto niya. “Sab…” he huskily whispered in her ear, and it sent erotic chills all over her body. What he was doing to her was sensual. At aaminin ni Sabrina na first time sa buhay niyang may nakapagpadama sa kanya ng ganitong klase ng pakiramdam. Vito went and was able to invade things na kailanman ay hindi umabot ang mga naging ex-boyfriends niya. Oo nga’t marami na rin siyang mga naging nobyo noon, pero wala siya ‘ni isa