Unti-unting tinanggal ng lalaking humila kay Sabrina ang kamay nito sa kanyang labi. "Ikaw pala 'yan! Akala ko kung sino na!" sapu-sapo at tila nahahapo na nakahinga nang maluwag na aniya. Marahang tumangu-tango si Vito. "Ginulat mo naman ako, ano ka ba!" malambing na saway nga niya rito. "Nagulat ba kita? Pasensya ka na," hinging-depensa naman nito. Though using his usual cold tone but it was sincere. Alam nitong nagulat siya sa ginawa nito, and therefore, he was sincerely apologetic of doing so. Furthermore, hindi naman 'yon ang intensyon nito kaya nito ginawa ito, ang gulatin siya. There was a deeper reason why he had to do this. “Hindi, ayos lang ‘yon. Pero bakit ba kasi bigla-bigla ka na lang nanghihila, akala ko tuloy kung sino nang siraulo.” Mapilyong ngumisi ito. “Siraulong