CHAPTER 1-START OF MIDSUMMER NIGHT'S DREAM

1182 Words
Pagod at hirap ang nararamdaman ni Amara sa trabaho na kanyang pinapasukan,umaga ngayon Kaya naghuhugas sya ng pinggan sa isang maliit na restaurant "Kailan pa kaya ako maakalis sa ganitong trabaho" sambit nya sa kanyang sarili,dahil busy sa kitchen area ay lahat ng huhugasan at sakanya tinatambak "Lintek naman oh"napamura sya NG muntikang mahulog ang mga pinggan at mga basong babasagin dahil sa pagmamamadali,ng mga kasamahan nya  sa pagtratrabaho parang hinahagis lang nila iyon sa kanya Ilang oras din ang ginugol nya sa paghuhugas ng pinggan bago matapos ang shift nya,uuwi muna sya para makapagbihis ng kanyang damit sa susunod na trabaho ng kanyang gagawin bilang isang waitress sa coffee shop "Mauna na ako sa inyo" bilin nya sa kanyang mga kasamahan bago lumisan sa restaurant, Naglakad lakad lang si amara papunta sa maliit na bahay na inuupahan nila dahil kapag mamasahe pa sya ay gasgastos pa sya mas mabuti nalang maglakad kaysa sa sumakay Pagdating nya sa maliit na inuupahan nilang bahay ay agad syang nagbihis nagugutom narin sya dahil isang biscuits na Skyflaskes Ang kanyang kinain kananinang umaga at tanging isang basong tubig lang ang pangtulak nya. "Bakit Kasi mahirap ang buhay ko dito sa pilipinas buti pa si ate sa US paniguradong maginahawa ang buhay nya Doon" usap nya sa kanyang sarili habang tinatali ang kanyang hanggang bewang na kulay brown na buhok, natural ang kulay ng kanyang buhok kaya paniguradong may ibang lahi sya,namuhay si Amara na kasama Ang kanyang Ina at Hindi nya kilala Ang kanyang ama.kaya Hindi nya mawari Kong ano Ang itsura ng kanyang ama kahit isang maliit ng picture ng kanyang ama ay wala sila "Maple leaf" sambit nya habang hinawakan ang tuyong maple leaf na nakasuksok sa isang makapal na libro,bigay sa kanya ng kababata nyang nagbigay ng kasiyahan sa buhay nya nung Bata pa sya,sabi daw ng kababata nya dahil aalis na Ang kanyang kababata papuntang sa ibang bansa binigay sa kanya Ang maple leaf ,palatandaan daw Yun na kapag nagkita ulit sila ay meron silang palatandaan na naging matalik sila na  naging magkaibigan,Ang maple leaf din daw Ang magpapalapit sakanila ng tadhana kahit malayo sila sa isa't Isa "Maple leaf is our guide to meet each other again" Napapunas si Amara ng kanyang mga Mata NG maramdaman ang kunting butil na tumutulo sa kanyang mata, nagbuntong hininga nalang sya at lumabas sa kanilang inuupahan na bahay upang makatungo na sya sa kanyang trabaho. Ng makadating sya sa pinagtratrabahohan nyang coffee sya ay nakita nya sa maliit na mesa ang boy bestfriend nya na si Aviel hudson “Avi,nandito ka na naman” pagsesermon nya sa kanyang kaibigan na prenteng nakaupo sa isang silya at may hawak ng isang cappuccino na kape, “masama bang araw arawin na bisitahin ang bestfriend ko”malapad na ngiti ni Aviel habang naka extend Ang kanyang kamay na nakapatong sa tabi nyang upuan. “hindi naman sa masama,pero Kong araw arawin mo naku,baka ako pagalitan ni Tito Wala ka ng nagawa sa bahay nyo”mahabang sermon nya sa kanyang kaibigan at pumunta sa counter Kong saan sya ang magtratrabaho. “Wag mong alalanhin si papa,ako naman Yung nagluluto ng pagkain sa gabi”pagamamayabang ng kanyang kaibigan,Ang kanyang bestfriend na si Aviel ay nag aaral sa Della Palmier accademy Kong saan,tanging mayayaman lang Ang nakapasok Doon,hindi naman ganun kayaman Ang kanyang bestfriend medyo may Kaya Lang dahil Ang papa nya ay nagtratrabaho bilang sekretarya ng chairman ng Della Palmier, “itlog lang naman ang niluluto mo eh" pang aasar sa kanya ni Amara habang nag seserve ng kape sa costumer “tsk,lutuan pa kita ng hotdog na may halong itlog eh”nangmagyayabang na sabi ng kanyang Bestfriend,napatawa naman sya ng mahina dahil sa kayabangan ni aviel kahit Ang mga ilang customer na malapit sa gawi nila at tumawa din dahil sa sinasabi ng kaibigan nya. “sus, manahimik ka nalang baka hindi pa ako matapos sa ginagawa ko nito”walang naging imik na sagot ng kanyang kaibigan,si Aviel yung lalaking minsan matigas Ang ulo minsan malambot Ang ulo,kapag alam nyang medyo nakakaistorbo na sya Kaya nanahimik nalang ang kanyang kaibigan. “one cup of espresso”sambit ng isang lalaki na matipuno singkit ang Mata at makapal ang kilay,bumagay din ang kulay puti nyang balat at matangkad ito mga sa 6'0 estimate ni Amara sa kanyang isip habang eskperto na lumilikot ang kanyang Mata sa kabuoan ng lalaki. “sir pwede ko po bang malaman Ang pangalan nyo”magalang na sabi ni Amara habang kumuha ng isang ballpen at isang maliit na piraso na papel. “gusto mo malaman ang pangalan ko tapos makipag kaibigan ka tapos hihingiin mo number,miss Alam ko na yang mga galawan na Yan,Kung deretsuhin mo nalang na sinabi saakin bibigay ko naman agad” the guy chuckled and wink to amara,napamura si Amara sa kanyang isipan,bakit ang feelingero ng lalaking kaharap gwapo ito pero mahangin naman,sambit nya sa isip nya at tumingin sa lalaking nakangisi ngayon sa kanya “sir paumanhin po pero nagkakamali ka ng iniisip nais ko pong makuha ang pangalan nyo at ilagay dito sa maliit na piraso na papel para sa kape nyo po”hindi nya Alam Kong sarkisto ba nag pagkakasabi nya sa lalaki, hanggang sa maari kailangan nyang gumalang sa mga customer. “hah?ganun ba”napakamot ang lalaki sa batok at tumonghay sakanya “Ako nga pala si Apollo Novanym you can call me ace,Alam ko naman na nahihiya ka Kaya dinaan mo sa ganyan” napairap si Amara sa sinabi ng lalaki,gusto nya na sanang sagutan at maari Kung pwede din sakalin dahil sa pagkafeelingero ang lalaki, pero Hindi pwede baka matanggal pa sya sa kanyang trabaho. “sige sir ilalagay ko po ang pangalan nyo na ace dito”pinakita pa ni Amara Kung pano nya nilagay Ang pangalan ng lalaki sa papel,madiin ang pagsulat ng pangalan ng lalaki dahil ginigigil sya nito, “at ididikit ko po dito”dinikit nya ng Mariin sa gilid ng cup ng espresso coffee at binigay sa lalaking nakatingin at sinusuri ang kanyang mga galaw. “sir paumanhin po ulit dahil po sa marami Yung sinagot sa simpleng tanong ko,nakakaabala ka na ng pila”pekeng ngiti ni Amara at tinuro pa ang mga customer na din na mahaba Ang pila, Nagkibit balikat nalang ang lalaking ace at umalis dala Ang inorder nya, nagpatuloy si Amara sa kanyang pagtratrabaho hanggang sa matapos ang shift nya,summer naman ngayon at bakasyon nila kaya umiextra sya muna pangdagdag gastos sa Renta ng bahay at sa pagkain na binili nila. Ng matapos sya sa knayang shift ay agad syang tumungo sa kanyang kaibigan na nagcecelphone,Kung tutuusin Kaya naman maghintay ng kaibigan nya kahit anong oras syang matapos Ewan lang nya Kung bakit natiis syang hintayin sa matagal na oras. “tapos ka na?halika na punta na Tayo sa pancakes house kanina pa ako nagcracrave”tumayo si viel at nag unat unat ng kanyang braso, inakbayan sya nito hanggang sa makalabas sila sa coffee shop. _Midsummer nights dream◼️◾▪️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD