Chapter 3

1588 Words
BETHANY WALANG GABI na hindi ako pumupunta ng bar para lumaklak ng alak at makalimutan ko sandali ang problema ko sa buhay. Ikakasal na pala ako bukas pero andito pa rin ako sa loob ng bar umiinom ng tequila. “Bethany, stop it! Tama na!” ani Bridget nang kunin niya sa akin ang baso ko at nilayo ang bote ng tequila. “You can’t stop me, Bridget. Kailangan ko ‘to para makalimutan ko problema ko. Give me back my tequila!” reklamo ko kaya sinubukan kong kunin ang baso sa kaniya ngunit bigla akong naramdaman ng bigat sa ulo at pagikot ng paningin ko. “Argh! Sh*t!” sigaw ko nang mapasandal ako sa bar table kasabay ng paghawak ko sa ulo. “Halika na. Umuwi na tayo. Halos mangalahati ka na sa tequila, Bethany! Magpapakamatay ka ba?” galit tonong wika niya sa akin kaya ngumiti ako at tumango. “Oo, mas gusto kong mamatay kasya mabuhay kasama sina Mom at Dad! Kaysa ikasal ako sa iba! Ehe!” Sinamapay niya sa balikat niya ang braso ko at inalalayan akong maglakad papasok ng sasakyan. Talagang pumunta siya sa bar para sunduin ako? Napaka-swerte ko naman kay Bridget! Ehe! Pagpasok namin ay hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya saka ko ‘yon pinisil-pisil. “Grabe talaga. Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na kambal tayo at parehong maganda. Nakikita ko ang mukha ko sa’yo pero kabaliktaran ng ugali ko. Bakit ba sobrang bait mo? Ha? Hindi ka ba nakaramdam ng inggit dahil naging kami ni William? Ehe! Alam ko namang may gusto ka kay William, Bridget. Nabasa ko sa diary mo noong high school pa tayo at inamin mong crush mo rin siya. Bakit di ka nagsalita sa akin noon? Bakit hinayaan mong mapunta si William sa akin? Ba’t di ka lumaban? Tell me, do you still love him?” aniko sa saka ko binitawan ang pisngi niya. Inantay kong aminin ni Bridget na may pagtingin din siya kay William pero nagpaubaya siya dahil kapatid niya ako. Nakikita ko namang mahal ako ng kapatid ko but I feel sorry for her. Hindi ko naman kasi sinadyang pareho namin mamahalin ang isang lalaki. Ilang beses na rin akong nag-reto ng mga lalaking kilala ko para lang magka-jowa si Bridget pero wala siyang interest sa relationship. Natatakot ako para sa kanya, paano kung maging matandang dalaga siya? Ang lungkot naman ng buhay no’n, walang karamay at masasandalan pagtanda mo. “Haaay. Bakit kasi hindi mo na lang tanggapin alok ko na ikaw na lang ang ikasal instead me?” “Dahil ayokong masaktan kita, Bethany.” Nakakunot-noo ako dahil hindi ko siya maintindihan. Bakit naman ako masasaktan kung siya ang ikasal? Hindi ba dapat ako ang makikinabang no’n? “Bakit mo nasabi ‘yon?” tanong ko sa kaniya. Nang sasagot na siya ay bigla na lamang ako nawalan ng malay. Sa sobrang kalasingan ko ay hindi ko na alam ang sunod na nangyari sa akin. Nagising akong maliwanag na ang paligid. Dahan-dahan akong bumangon sa kama at nang bumalik na ako sa huwisyo ay nabigla ako nang matantuang nasa kuwarto pala ako ni Bridget. Ginala ko ang paligid upang hanapin ang wall clock niya at laking gulat kong makitang mag-a-alas dyes na pala ng umaga. “Omg! Ilang oras na lang ikakasal na ako!” Tarantang lumabas ako ng kuwarto at pagkalabas ko ay bigla akong nakita ng isa naming yaya na naglilinis sa sala. “Good morning po, Miss Bridget. Kanina pa po kita ginigising pero tulog pa po kayo. Hinahanap ka na po nina Ma’am Celine at Sir Kingsley. Nasa Roseville House po sila ngayon, naghahanda para sa kasal.” Lihim akong natawa nang marinig ko sinabi niya. Kahit matagal na sila sa mansyon, nalilito pa rin sila sa mukha namin ni Bridget. Kung sabagay, ako naman nagpumilit na magpanggap ang kambal ko sa araw ng kasal ko. Dagli akong umakyat sa kuwarto ko at naligo para makahabol sa kasal, baka kasi mahalata nina mom at dad na wala ako at kapag malaman na nagpalit kami ni Bridget baka mas lalong maging komplikado ang lahat. Paglabas ko ng bathroom at pagkatapos kong mag-ayos ay mabilis akong bumaba at lumabas ng bahay para puntahan sila sa venue. Pagdating ko sa Roseville House kung saan inaayos ng mga make-up artist ang mga kasama sa kasal ay agad akong pumasok sa kuwarto ni Bridget. Namangha ako nang makita ko siyang suot ang wedding dress. “Wow! Look at you, you’re so gorgeous! Ganito siguro ako kaganda kung suot ko rin ang wedding dress na ‘yan.” Marahang tumawa si Bridget saka niya sinenyasan ang make-up artist na lumabas muna upang makapag-usap kami in private. Nang makalabas na ito ay sinara ni Bridget ang pinto at ni-lock ‘yon. “Thank you dahil sinundo mo ako kagabi sa bar. Wala naman akong sinabing kung ano-ano kagabi, ‘no?” “Nope. Wala naman. Sobrang bait mo kaya pag lasing ka,” pabirong wika niya sa akin saka siya marahang tumawa. “Bakit parang ang saya naman ng bride ngayon?” natatawang tanong ko sa kaniya kaya tumikhim siya saka siya nagsalita. “Actually, natatawa ako dahil hindi nila nahalata na nag-switched tayo. Hindi ako sanay na tawagin akong Bethany at magpanggap na ikaw.” Napangiti ako dahil gano’n din ang naramdaman ko kanina no’ng tawagin ako ng yaya namin. “Ganiyan din ang ginawa ng yaya kanina sa akin,” ngiting wika ko sa kaniya saka sabay kaming humalakhak at ilang sandali pa’y bigla akong nalungkot dahil sa mangyayari mamaya. Lumapit si Bridget sa akin saka niya hinawakan ang kamay ko. “Be strong, Bethany. Alam ko kung gaano kasakit ang mangyayari mamaya pero... kailangan mong magpakatatag para sa sarili mo. Ano pa bang saysay ng annulment dito sa Pilipinas?” pabirong wika niya sa akin kaya natawa ako nang marinig ‘yon. “So, gusto mo ikasal ako then annulment after a month? Eh, mas parang sinira ko na reputasyon ng kompanya?” taas kilay kong sagot sa kaniya saka siya ngumiti at bumuntong-hininga. “I am really sorry, Bethany. I can’t do anything to save you from this. Ito lang ang paraan na gagawin ko para hindi ka masyadong masaktan, ang ilakad ka gamit ang katawan ko sa altar.” Naluha ako sa sinabi ni Bridget dahil hindi ko alam kung paano ko masusuklian ang pabor na hiling ko sa kaniya. “Thank you, Bridget.” Ngumiti siya sa akin saka niya ako hinagkan. “No. I should be the one to say thank you dahil binigyan mo ako ng chance to help you.” Napakunot-noo ako nang sabihin niya ‘yon. Nang humiwalay ako ng yakap sa kaniya ay bigla akong nakaramdam ng kaba sa dibdib ko. It feels like there’s something wrong with it. Parang hindi ako mapakali at gusto kong malaman kung ano ang dahilan kung bakit nagpapasalamat siya. “Ready ka na po ba, Miss Bethany? The car is waiting po!” sigaw ng babaeng tantya ko organizer ng kasal na ‘to. “Yes! I’m coming!” sagot ni Bridget saka siya ngumiti sa akin. “Magkita na lang tayo sa simbahan, Bethany.” Binuksan ni Bridget ang pinto at tuluyan na siyang lumabas ng kwarto. Lutang ako at wala ako sa huwisyo nang maglakad ako pababa ng Roseville House. Pagkababa ko ay sinalubong ako ni Mom. “Oh, Bridget? Saan ka pupunta? Ayaw mo bang sumama sa amin? Dito ka na sumabay sa kotse ng daddy mo.” Walang imik na sumunod ako kay mom at pumasok ng sasakyan ni dad. “Akala ko talaga hindi na natin makukumbinsi si Bethany na ikasal sa anak ni Simon, sa sobrang tigas ng ulo niya. Haaay. Hindi ko naman din masisisi siya dahil ang laki ng kasalanan natin sa kaniya. Pero ang gwapo at matalino naman anak ni Simon, saka para sa akin bagay sila,” wika ni Mommy kay Dad. I think I heard that name before. Di ko lang matandaan. “Kung hindi lang talaga dahil kay Erasto. Hindi ako papayag na ikasal si Bethany sa taong hindi niya mahal. At saka. . . mabuti na lang din ito dahil magiging maganda ang kinabukasan ng anak natin.” “Bayaan mo na, Honey. Matututunan din ni Bethany na mahalin si William.” Nanlaki ang mata ko sa narinig ko mula kay Mom. Sinong William ang tinutukoy nila? No. Nagkamali lang ata ako ng dinig dahil medyo hangover pa ako at nahihilo. “A-anong sinabi mo, Mom? Sinong William?” tanong ko sa kaniya. “Anak ni Simon si William Remington. Siya ang lalaking pakakasalan ng kapatid mong si Bethany,” ngiting tugon ni mommy sa akin. Parang binuhusan ako ng malamig na yelo sa sagot ni mom. Hindi ko maigalaw ang sarili ko dahil hindi ako makapaniwalang si William pala ang nakatadhana sa akin. Kaya pala pamiliar sa akin ang pangalan ni Simon dahil ‘yon din ang pangalan ng daddy ni William. Pagdating namin sa simbahan ay naluha ako nang bumaba si Bridget sa sasakyan suot ang wedding dress, nakangiti ito habang hawak ang bulaklak sa harapan niya. Alam niya bang si William ang pakakasalan ko kaya nagpasalamat siya kanina? Bumaba ako ng sasakyan at dahan-dahan akong naglakad papasok ng simbahan. Napahigit ako ng paghinga kasabay ng pagtakip ko ng bibig nang makita ko ang imahe ni William sa altar. Sh*t! Hindi ko mapigilang maluha sa sobrang bigat sa dibdib. Paano mo nagawa sa akin ‘to, Bridget?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD