"Kawawa pala si Tita, lumaki siy na hindi nakita ang mga magulang niya. Ito, sino sila?" At sabay turo niya sa libingan ng mag-asawang Umuli. "Sila ang mga magulang ni Soffie, sila rin ang kinalakihang magulang ni Mommy. Namatay sila noong ina-ambush kami." Biglang lumungkot ang mukha ni prince Llie-Yee, nang maalala niya ang sinapit nila noon. "I'm sorry, Llie-Yee. Sana hindi na ako nagtanong," aniya at niyakap ang nobyo. "It's okay," Buong magdamag ang dalawa sa kubo at masaya sila habang malaya nilang tinatanaw ang magiging future nila sa LINGPARADISE. Kinabukasan na umaga ay umuwi na ang dalawa. Nang dumating sila sa mansion ay agad sumalubong si prince Huang-Yee at may dala itong magandang balita. "Mabuti naman nakauwi na kayo," aniya sa dalawa. "Bakit, Huang-Yee?" "M