"Yes, Mommy?" "Hindi ba gusto mong makilala si Daddy?" "Opo! But I know him na po!" Nagkatinginan silang dalawa at nagtataka sa sagot nito. "You know him? Who?" "Ikaw po! Kasi hinalikan mo si Mommy," Nakagat ni Juvy ang kaniyang daliri at bahagyang napangiti. Hindi naman makapaniwala si Nianzhu sa talas ng 'Intelligence Quotient' ng kaniyang anak. "Can I hug you, anak?" "Yes po, I miss you Daddy ... I love you!" Hindi napigilan ni Nianzhu ang sarili at napaiyak ito sa balikat ng kaniyang anak. "I love you too, anak, I will promise na hindi ko na kayo iiwan ni Mommy." Umiiyak naman si Juvy habang pinagmamasdan niya ang mag-ama. At bigla siyang na konsensya ipinagdamot niya kay Nianzhu ang anak nito. "Anak, you want more dolls?" masayang tanong ni Nianzhu. "I don't want Daddy