Halos araw-araw si Liam nagbabantay sa bahay nina Dani ngunit talagang wala roon ang mag-ina niya. Ang bahay din nito sa Tagaytay ay nakausap na rin ang nagbabantay ay hindi na nagpupunta roon si Dani. Hindi na niya alam ang gagawin. Pati ang tito Armand niya ay sinabihan na rin tungkol sa mag-ina niya. Maging ang sarili ay napapabayaan na rin niya. Halos hindi na siya umuuwi at natambay na lamang sa bahay ng magulang ni Dani. Hanggang sa isang araw ay bigla siyang hinintuan ng mga ito. Bumaba mula sa sasakyan ang mag-asawa. Agad na rin siyang bumaba. "Hijo kung hinahanap mo ang anak namin ay nagpapagod ka lamang. Wala sila rito." Turan ng daddy ni Dani. "Sir, almost ten years ago kayo ang lumapit sa akin para sa inyong anak." naluluhang turan rito. "Ngayon, ako naman ang lalapit sa in