AVERY Sa loob ng mahigit isang linggo na narito kami ni Xander sa Moscow ay naging napakahigpit ng security measures sa paligid ko at labas ng bahay. Simula ng dumating kami galing hospital, may personal bodyguard ako at iyon ay si Lhin, ang isang Taiwanese national na nagtatrabaho pala kay Xander. Siya rin ang babaeng agad na lumapit sa akin at nakausap ko last week ng nagkaroon ng barilan dito sa bahay. Ang sabi ng asawa ko, top agent raw niya si Lhin at isa sa mga trusted na mga tauhan, kaya pinapunta dito sa Moscow para personal na makasama ko. Wala siyang Filipino staff dito, pero hindi rin ako nag-demand ng tanungin ako ni Xander kung gusto ko raw ba na magpadala siya ng tauhan galing sa Pilipinas. Ten days na kami dito sa Russia ngayon. Maayos naman ang lahat at hindi na mul

