AVERY Finally, after fifteen days, simula ng lumabas ako sa hospital, heto at pauwi na rin kami ni Xander sa Pilipinas. Excited na akong umuwi, lalo na at gusto ko ng makita ang mga kapatid ko. Ilang ulit ng tumawag sa akin si Ailee at kinakamusta ako. Hindi ko na ipinaalam sa kanila ang nangyari sa akin dito sa Russia, dahil ayaw kong mag-alala sa akin ang mga kapatid ko. Hindi maganda para sa emosyon ni Ailee ang labis na pag-aalala, kaya pinili kong huwag sabihin sa kanya kung ano ang nangyari sa akin at kung bakit natagalan kaming umuwi ni Xander sa Pilipinas. Ayaw kong makaramdam ng lungkot si Ailee. Iniiwasan ko kasing mag-isip siya ng kung anu-ano, dahil masama ito para sa kanyang puso. Tapos na akong magbihis at hinihintay ko na lang si Xander. Nagpaalam kasi siyang lalabas m

