Nag-iinit ang pakiramdam sa pisngi na nag-iwas ako ng tingin. Para kasing tukso na bumalik sa alaala ko ang nangyari sa amin sa ibabaw ng kama sa loob ng penthouse niya ngayong kaharap ko siya. "Sandali lang, magbibihis muna ako," paalam ko kay Sir Xander. Hindi kasi talaga ako komportable na ganito ang suot ko sa harap niya. Wala na nga akong suot na bra ay manipis pa ang sandong suot ko tapos maikli rin ang short ko. Hindi ko naman kasi akalain na makikita ko siya dito sa bahay at basta na lang papasok na parang magnanakaw. Hindi man lang tuloy ako nakapag-bihis ng maayos. Komportable kasi akong ganito ang suot ko kapag mag-isa lang ako dito dahil ang nasa isip ko ay matutulog na sana ako kung hindi lang dumating si Sir Xander. Mabilis na binuksan ko ang drawer para maghanap ng dis

