AVERY Ramdam ko ang kirot sa puso ko ng makita kong lumapit sa akin si Xander, suot ang kulay orange na t-shirt at may tatak na malaking P sa tapat ng dibdib at likod. Kahit simpleng damit lamang ang suot niya ay hindi pa rin maikakaila na hindi bagay sa lugar na ito ang asawa ko. Nakita ko, kung paano nagdilim ang ekspresyon ng mukha ni Xander ng makita niya akong naghintay dito sa visiting area at tinapunan ng masamang tingin ang mga tauhan, na para bang kasalanan nila kaya narito ako. “Xander,” mahinang tawag ko sa pangalan niya. Lumambot ang matigas na ekspresyon ng asawa ko. Ngumiti siya sa akin at umupo sa harap ko. “You shouldn't be here, baby,” mahinahon na sabi sa akin ni Xander. Inabot ko ang mga kamay niya at hinawakan ng mahigpit. “Hindi ko kayang hindi kita makita. H

