Chapter 3

2264 Words
AVERY Tuliro ang isip na pumasok ako sa pang-gabing trabaho ko. Kahit maselan ang kondisyon si Ailee ay kailangan ko silang iwan ni Aila sa hospital para pumasok at magtrabaho. Kung hindi ko kasi gagawin ito ay paano kami kakain ng mga kapatid ko? "Sis, kanina ka pa tulala d'yan." Kalabit sa akin ni Harlen. Harvey talaga ang pangalan niya, pero dahil nag-ladlad na siya bilang binabae ay nagpalit na noon ng pangalan. "Iniisip ko kasi kung saan ako pwedeng kumuha ng malaking halaga para sa operasyon ng kapatid ko, Harlen," malungkot na sagot ko sa kasama ko dito sa coffee shop. "Kailangan siyang maoperahan sa lalong madaling panahon, pero wala akong pera. Wala rin kaming mga kamag-anak na pwedeng lapitan at hingian ng tulong. Wala namang iniwan na kahit anong mga ari-arian ang mga magulang ko bago sila namatay para magamit at pwede ko sanang ibenta ngayong kailangan," emosyonal na paliwanag ko. Hindi ko kasi masabi sa mga kapatid ko kung gaano kabigat ang dinadala ko sa dibdib ko. Gusto kong makaligtas at maoperahan si Ailee, pero ang laki ng kailangang pera at wala akong hawak na gano'n kalaking halaga. "Sissy, pasensya ka na. Gustuhin ko man na ibigay ang kayamanan ng pamilya ko para magamit mo, pero porita rin ang mga magulang ko at mas maganda pa nga ang bahay na tinitirhan ninyo," nakiki-simpatya na sabi ni Harlen. Pinahid ko ang pumatak na luha sa pisngi ko at tipid na ngumiti sa kanya. "Ayos lang, Sissy. Alam ko naman na willing kang tulungan ako basta kaya mo," nakakaunawa na sagot ko. Malimit ay nakaka-utang ako kay Harlen kapag may biglaan at kailangan ang mga kapatid ko. Bagay na nagpapasalamat ako dahil bukod sa fast food na pinapasukan ko ay may mabuti rin akong kaibigan na natagpuan dito sa coffee shop. "Wag kang mag-alala, gagawan natin 'yan ng paraan, ha. Magtatanong ako kung may posibleng raket na makukuha tayo sa lalong madaling panahon para maoperahan na agad ang kapatid mo," sabi ni Harlen na ngumiti sa akin. Sa narinig ko ay nagkaroon ako ng malaking pag-asa. Alam ko na mali ang umasa ako na may makukuha at makalikom kami ng gano'ng kalaking halaga sa loob lamang ng maikling panahon para sa operasyon, pero umaasa ako na may magagawa kaming paraan sa tulong ng mga taong malapit sa akin na handa akong tulungan sa oras ng kagipitan na gaya niya. "Sissy, tatawagan ko ang pinsan kong si Ghie, baka may raket sa club na pinapasukan niya. Mga bigatin raw ang kliyente nila at sigurado akong malaki ang makukuha mong bayad kapag pumasok ka doon," mahinang bulong ni Harlen dahil may isang lalaki ang lumapit dito sa counter para mag-order ng kape. Kahit kinakabahan ako sa sinabi ni Harlen ay tumango ako. Kung ito lang ang natitirang pag-asa ay susugal ako para humaba pa at mabuhay ng kapatid ko. "Wag kang mag-alala, safe ka doon dahil mga vip ang customer at hindi basta nilalabas ang babae ng wala kang pahintulot. Pumasok doon ang isa sa bruhang kapitbahay na ini-refer ko kay Ghie. Aba, yumaman ang gaga, pero dedma na ang beauty ko ngayon sa kanya," madramang sabi ni Harlen. "Wag kang mag-alala, hindi mangyayari iyon dahil hindi ako yayaman kapag pumasok ako doon. Bukod sa pambayad sa ospital ay kulang pa ang perang kikitain ko doon kaya dito pa rin ako papasok gabi-gabi," natawa na sagot ko. Hindi naman kasi ako nangangarap na makakakuha agad ako ng limang daang libong piso o higit pa sa isang beses na pagpasok ko sa club na iyon kung sakali. Nagpapasalamat talaga ako at kaunti na lang ngayon ang tao dito sa cafe. Nagawang tawagan ni Harlen ang pinsan niyang si Ghie. Hiningi nito ang full body picture ko at sinabing ipadala sa kausap kaya agad na ginawa naman namin. After five minutes ay tumawag ulit si Miss Ghie at sinabing bukas, alas-sais ng gabi ay pumunta ako sa club na pag-aari ng boss niya sa Makati. Kabilin-bilinan niya na huwag akong darating ng late, dahil may nakuha na umano siyang booking sa isang vip room para i-entertain ko. Ayon sa kan'ya, bachelor party ang gagawin ng mga kliyente na haharapin ko. Sexy at seductive umano ang suot at sinabi na maligo akong mabuti at huwag gumamit ng kahit anong pabango dahil may specific silang binibigay sa mga models nila. Kahit paano ay gumaan ang loob ko sa narinig ko. Ayon na rin kasi sa description ni Miss Ghie ay hindi ito usual na club na katulad ng mga kabaret na nakikita at napapanood ko. Doon daw ay mga model kami at nasa amin kung gusto naming magpa-take out para kumita ng malaki. Sosyal man pakinggan, pero alam ko na ang kahihinatnan ng gagawin ko kung sakaling papayag ako. Makukuha ng kung sino ang dangal ko na labis na iniingatan ko oras na pinili ko ang kumita ng mas malaking halaga para sa operasyon ni Ailee. "Bahala na," mahinang bulong ko. Matapos ang shift ko ay bumalik ako sa ospital para kumustahin sina Aila at Ailee. Parehong tulog na ang mga kapatid ko ng abutan ko, pero kalaunan ay nagising si Aila nang lumapit ako sa bunso namin. Umaasa kasi ako na may malaking pagbabago sa kondisyon ng kapatid ko. "Ate, magpahinga ka na. May pasok ka pa bukas. Ako na muna ang magbabantay kay Ailee. May unlimited text naman ako ngayon kaya kapag may pagbabago kay bunso ay i-message agad kita," nakakaunawa na sabi ng kapatid ko. Siguro ay nakita niya kung gaano ako na pagod ngayong araw. Sumang-ayon ako dahil pakiramdam ko ay babagsak na ang katawan ko sa labis na puyat at pagod. Iniwan ko muna pansamantala ang mga kapatid ko sa ospital at nangakong babalik kinabukasan. Nadatnan kong tulog na si Arnel sa silid niya. Alam ko na nag-aalala rin siya sa lagay ng kapatid namin. Hindi ko na siya ginising at agad na naglinis ng katawan saka nahiga at mabilis na nakatulog. Kinabukasan, maaga akong gumising. Laking pasasalamat ko kay Arnel dahil nakapagluto na ang kapatid ko at handa na ang almusal ko ng lumabas ako ng banyo matapos maligo. Maasahan talaga siya pagdating sa gawaing bahay kahit hindi ko utusan. "Pupunta ako kina Aila at Ailee pagkatapos kong kumain. Gusto mo bang sumama?" tanong ko sa kapatid ko na sumagot naman ng oo. Heto kami ngayon, nagbilin ako sa dalawang kapatid ko na bantayan at alagaan si Ailee habang nasa trabaho ako. Tulad ng dati kailangan ko silang iwan para pumasok dahil kailangan. Si Arnel ang maghahatid ng pagkain ni Aila bagay na malaking tulong sa akin dahil makakatipid kami. Laking pasasalamat ko talaga na responsible ang mga kapatid ko, kaya kahit ganito ang sitwasyon namin ay gumagaan ang loob ko. Nagulat man ang manager ko sa fast food chain na pinapasukan ko ay tinanggap ako. Alam niya na kailangan kong kumita para sa pamilya ko. May mga kapatid akong umaasa sa akin na magugutom oras na tumigil ako sa trabaho kahit isang araw lamang. Alas-tres ng hapon ng makauwi ako at agad na naligo at naghanda. Ginawa ko ang utos ni Miss Ghie na maligo akong mabuti at mag-ahit ng lahat ng buhok bawat sulok ng katawan ko. Alas singko pa lang ay nasa harap na ako ng Club De Luxe at ilang ulit na umurong-sulong at hindi malaman kung papasok ba ako. "Miss, may hinihintay ka ba?" seryosong tanong sa akin ng gwardya na hindi na yata nakatiis, matapos makita niyang ilang ulit akong hindi mapakali at hindi malaman kung papasok ba o hindi sa loob ng club. "Kuya, nahihiya po kasi akong pumasok, pero may sadya ko po si Miss Ghie," nahihiyang sagot ko. "Ah, si Manager. Ikaw ba ang bagong model na hinihintay niya?" tanong ng gwardya. Tumango ako kasabay ng mabilis na 'yes, kuya' kaya sinamahan niya ako hanggang sa tuluyan na akong nakapasok sa loob. Para akong natutunaw sa hiya, lalo na at maraming mga mata ang nakasunod sa akin. Mukha nga naman akong teenager na naligaw dito lalo na sa suot kong simpleng rubber shoes at pantalong maong na katerno ng pulang fitted tee-shirt. "Narito ka na pala, halika," kaway sa akin ni Miss Ghie ng makilala ako at hinatid mismo ng gwardya na kasama ko sa loob ng opisina niya. "Si Jelay na ang bahala sa iyo. Marunong ka naman yatang sumayaw 'di ba?" tanong ni Miss Ghie na pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Opo, ate, marunong po ako," agad na sagot ko sa takot na baka hindi niya magustuhan kapag hindi agad ako sumagot at pauwiin ako. Hindi ko hahayaan na mangyari iyon, dahil higit na kailangan ko ngayon ang pera at hindi ko sasayangin ang pagkakataon para kumita ako ngayong gabi. "Bweno, Jelay, ikaw na ang bahala sa kan'ya. Mag-practice kayo ng sayaw kahit labinlimang minuto lang. The rest, ayusan mo siya at siguraduhin mo na lalabas ang tinatago niyang ganda," bilin ni Miss Glenda sa tauhan. "Yes, madam," sagot ng tinawag na Jelay ni Miss Ghie. Bumaling siya sa akin at ngumiti. "Let's go na, bebe, ng makapag-simula na tayo," yaya sa akin ng baklang si Jelay na nauna ng naglalakad papasok sa isang pintuan. "Hubarin mo ang mga damit mo at isuot mo itong underwear na ito," utos niya sa akin, sabay abot ng isang pares at manipis na panloob. Nag-iinit sa hiya ang mukha na sinunod ko ang utos ni Jelay. Kailangan kong gawin ito, kaya maigi na ngayon pa lang ay patayin ko na ang takot at kabang nagsisimulang umusbong sa kaibuturan ko. "Wow, perfect! Ang ganda ng kurba ng katawan mo," tila hindi makapaniwala na sabi ni Jelay ng humarap ako sa kanya. Siguro ay hindi inaasahan ni Jelay ang nakitang kurba ng katawan ko dahil na rin sa suot ko kanina ng makita niya ako. Mabilis na lumapit sa sulok si Jelay at pagkatapos ay nag-play ng isang malamyos, pero may pagka-seductive na music at sinabayan niya ng indayog at pinagaya sa akin. Dahil likas na mahilig akong sumayaw simula pagkabata ay naging madali sa akin ang sexy dance step na itinuro ni Jelay. "Hay, sana lahat ng model ay gaya mo na bukod sa maganda na ay mabilis pang matuto. Halika na, pumasok ka d'yan sa banyo at bilisan mong maligo. Pinagpawisan ka sa pag-ensayo. Ayaw ni madam na may nagrereklamo sa mga kliyente namin dito sa club dahil may amoy at singaw ng katawan ng model niya." Agad na sinunod ko ang sinabi ni Jelay at ginamit ang lahat ng bagay na binigay niya sa akin. Isa umano ito sa essential set na ginagamit ng mga model ni Miss Ghie kasama ang body lotion, maging ang pabango na alam kong mamahalin. Sa bilis ng mga pangyayari ay heto ako, halos hindi ko na makilala ang sarili ko habang kaharap ang full body size na salamin. Iglap lang ay nagbago ang histura ko, matapos na ayusin ang buhok at lagyan ng makeup ang mukha ko. Na-enhance ng husto ang mukha ko. Very sexy at seductive ang looks na ginawa ni Jelay sa akin, bagay na hindi ko inaasahan ang ngayon ay makikita ko. Nakakahanga talaga ang galing niya sa pag-makeup. "Ang ganda mo na lalo, bebe. Halika, hubarin mo na iyang roba mo at isuot mo na ito. Malapit ng magsimula ang number mo. May twenty minutes ka pa, para panoorin ang mga dance moves ng mga models natin. Tumayo ako at inabot ang itim na may burdang panloob na hawak ni Jelay. Walang pag-aalinlangan na sinuot ko ito at lakas loob na humarap sa salamin para tingnan ang kabuuang ayos ko, saka pinatungan ng isang manipis na purple na roba, dahilan para lalong maging kaakit-akit ang itsura ko. Dumating ang oras na kailangan ko ng lumabas. Sinunod ko ang bilin ni Jelay at walang pasabi na pumasok sa loob ng isang vip room kung saan naabutan ko ang ilang mga kalalakihan na alam kong hindi basta lang, dahil sa mga suot na formal attire habang ang iba ay nakatayo sa di-kalayuan. Nilingon ko ang dalawang lalaki sa pintuan pero hindi ko inaasahan ang makikita ko dahil nakatutok sa akin ang mga hawak nilang baril, dahilan para mangatog ako sa takot. Nakita kong tumayo ang isa sa apat na lalaking nakaupo sa sofa at mabilis na lumapit sa aki. "Who are you and what are you doing here?" matigas na tanong ng lalaki na sa unang tingin ko pa lang ay hindi ito Pilipino dahil obvious na foreigner ito, ayon na rin sa itsura niya ng mabilis na nakalapit ito sa kinatatayuan ko. "Ah, pinadala po ako ni Miss Ghie para daw po sa stag party," magalang na sagot ko at mabilis na nagbaba ng tingin. Kinakabahan kasi ako at hindi ko kayang salubungin ang mga mata niya, lalo na ng pasadahan ng tingin ng lalaking nasa harap ko ang buong katawan ko. "Your in a wrong place, woman," seryosong sabi ng kaharap ko. "I'm sorry, sir," mabilis na sagot ko at akmang talikuran siya para lumabas sa pintuan, pero nahagip ng lalaking kausap ko ang bewang ko at mabilis na pumulupot ang braso niya,dahilan para madiin ang katawan ko sa malapad niyang dibdib. "Gentleman, we're done here. See you next month," sabi ng lalaking nakayakap ang braso sa bewang ko sa mga kasamang nakaupo at umiiling ang iba habang nakatingin sa amin. "I guessed, I need to punish you for interrupting my meeting with my friends," mahinang bulong ng lalaking basta na lang yumakap sa akin, malapit sa punong-tenga ko na ikinatayo yata ng mga balahibo sa bawat sulok ng katawan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD