AVERY Mabilis na lumipas ang ilang linggo. Wala na akong natanggap na kahit anong tawag o text messages, mula sa walang hiyang lalaking tumatawag sa akin para takutin ako, matapos siyang i-block ni Xander sa call list ng cellphone na ginagamit ko. Umuwi na rin si Harlen sa kanila at gabi-gabing pumapasok sa bar, in my behalf. Napagkasunduan namin ni George na ang kaibigan muna namin ang magiging representative ko, habang hindi ko pa kayang pumunta doon, para tulungan siyang i-manage ang negosyo. Pormal at kaswal ang relasyon namin ngayon ni George. Masasabi kong malaki na ang nagbago, dahil hindi na katulad ng dati kung paano kami mag-usap-usap sa group chat naming tatlo. Naging pormal na rin ang approach ni George sa amin. Hindi na rin siya makulit, katulad ng dati, kapag sinasabayan

