AVERY Matapos maligo ay agad na pumasok ako sa wardrobe para magbihis. Dahil malaki na ang tiyan ko, kaya no choice ako kung 'di ang magsuot ng maluwag na bestida. Hindi na kasi kasya sa akin ang mga damit na karaniwang sinusuot ko noong bago kami umalis ni Xander papunta sa Russia. Bigla kasing lumaki ang tiyan ko. Napansin ko rin na malaki na ang naging changes dahil visible na ngayon ang pagbubuntis ko. "Baby, my friends are coming," sabi ni Xander nang lumabas ako sa wardrobe at abutan ko siyang nakatapis ng towel at hawak ang cellphone niya. "Ngayon na?" "Yes, they're on their way," mabilis na sagot ng asawa ko. Mukhang may importante silang pag-usapan dahil kadarating lang namin, pero pupunta agad dito sa bahay ang mga kaibigan niya. Kung sabagay, noong nasa Russia pa lang ka

