AVERY Patuloy na naririnig ko ang mahinang mga ungol at ingay na nagmumula sa loob ng silid na tinutuluyan ni Carla, habang papalayo ako at marahang naglalakad ako pabalik sa sala. Dahil sa nangyari ay tuluyan ng nawala sa isip ko, kung bakit ako bumaba at hindi na rin nakaramdam ng gutom, kaya minabuti kong pumunta sa receiving area, para ikalma ang sarili ko. Naka-off na ang karamihan sa mga ilaw, at paisa-isa lamang ang bukas sa pasilyo, pero kahit paano ay maliwanag dito sa sala, kung saan ako umupo para kumalma ang mabilis na tíbok ng puso ko. Never in my wildest dreams na darating ang araw na mahuhuli kong may babaeng ka-séx si George. Obviously, lalaki rin ang gusto niya at mas malambot pa sa akin kung kumilos ang kaibigan ko. Kahit hindi nagbibihis babae ang kaibigan kong iyo

