Chapter 84

1646 Words

JAMILLA “Bakit hanggang ngayon nandito ka pa rin?” tanong ko kay Drake. “Hindi ka ba papasok sa opisina mo?” “Nag-leave muna ako ng isang linggo,” agad niyang sagot habang nagpupunas ng kamay. “Bakit?” “I want to be with you, at gusto ko munang bumawi sa iyo bago ako bumalik sa aking trabaho.” Hindi ako umimik. Katatapos lang naming maghugas ng pinagkainan namin, pero hanggang ngayon, hindi pa rin umaalis si Drake dito sa condo unit ko. Tinulungan rin niya akong maglinis dito sa kusina, kaya mabilis kaming natapos. Iniwan ko siya sa kusina at naglakad palabas. Nabawasan na rin ang hiyang nararamdaman ko kanina, at unti-unti ay naging komportable na rin ako na kasama ko si Drake dito sa bahay, pero nakikiramdam pa rin ako sa kaniya. Pumasok ako sa silid ko at kinuha ang cellphone

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD