Chapter 4

1305 Words
JAMILLA Naiinis ako kay Drake kaya kanina pa siya nakakatanggap ng irap mula sa akin. Sinimangutan ko siya, pero balewala sa kaniya at natatawa pa siya na para bang katawa-tawa ako sa kaniyang paningin ngayon. “Umuwi ka na sa inyo at may gagawin ako,” taboy ko kay Drake. Kaya pala walang tumawag na security guard sa akin mula sa lobby dahil basta na lang siya umakyat dito sa palapag kung saan ako nakatira. Kilala siya ng mga guwardiya dito dahil may sariling condo unit rin ang kinakapatid ko sa building, kaya hindi nila ako kailangang tawagan kung pupunta siya dito dahil magkapitbahay lang naman kaming dalawa. Bumili rin siya ng kaniyang unit nang nalaman niya na aalis na ako sa bahay at dito ako titira sa condo unit ko. Ang nakakainis ay nakasunod palagi sa akin si Drake kahit saan ako magpunta, at nakabantay sa ginagawa ko kapag narito ako sa Pilipinas. “Hindi pa ako kumakain ng almusal,” narinig kong sabi ni Drake. “Di kumain ka, wala namang pumipigil sa iyo,” nakasimangot na sagot ko. “I know, pero gusto kong kumain kasabay ka,” nakangiti niyang sagot, pero sinimangutan ko siya. “Walang pagkain dito, Drake.” Nagkibit-balikat lang siya at tiningnan ang suot na relo. “I already called your favorite restaurant at nag-order ako ng paborito mong pagkain.” Napangiwi ako dahil hindi ko na naman matatakasan si Drake. “Doon ka na lang sa bahay mo kumain at aalis ako,” utos ko sa kaniya. “Ang sabi ng maid mo, hindi ka pa raw kumakain ng almusal, kaya nag-order na ako ng breakfast dahil kagigising mo lang.” Nalukot ang mukha ko dahil mukhang walang pakialam si Drake kahit pinagtatabuyan ko na siyang umalis dito sa condo unit ko. Typical na ganito talaga ang ugali niya, kaya lagi akong naiinis sa kaniya. Ang kulit niya, kahit paulit-ulit kong sinasabi sa kaniya na ayaw ko siyang makita at ayaw kong magkaroon ng kahit anong kaugnayan sa kaniya, ay pinagsisiksikan pa rin niya ang sarili sa akin. Iniwan ko si Drake sa sala at pumasok sa silid ko para maligo dahil ayaw niyang umalis. Wala naman akong balak puntahan ngayong araw dahil gusto ko sanang magpahinga, pero dahil biglang pumunta dito sa condo ko ang lalaking iyon, kaya aalis ako para makalayo sa kaniya. Kapapasok ko lang ng silid ko nang marinig kong may tumatawag sa cellphone ko. Si Aidan pala ang nasa kabilang linya, kaya sinagot ko ito. “What do you want?” inis na tanong ko sa kaniya. “Ang sungit mo naman. Nandiyan sigurado sa bahay mo si Drake ngayon, kaya mainit na naman ang ulo mo,” narinig kong sabi ni Aidan mula sa kabilang linya. “Anong kailangan mo?” walang paligoy-ligoy na tanong ko kay Aidan. “Gusto ka raw i-date ng officer ko, Jam,” sagot ni Aidan, kaya nalukot ang mukha ko. “Ang aga-aga pa, Aidan, huwag mo akong inisin,” mainit ang ulo na sabi ko sa kaniya. Siguradong nireto na naman niya ako kung kani-kanino sa kampo, kaya tumawag ngayon sa akin si Aidan para pagkakitaan na naman niya ako. “Si Adirah na lang ang kulitin mo dahil wala akong panahon para sa ganyang kalokohan mo, Adi!” Matapos sabihin ito, pinutol ko na ang tawag. Narinig kong tumatawag ulit si Adi, pero hindi ko na sinagot ang tawag niya dahil alam ko na kung anong sasabihin niya sa akin. Kilala ko ang lalaking iyon. Minsan na akong naipit sa gulo dahil sa kaniya nang pagbigyan ko siyang makipagkita sa opisyal niya, pero dahil ubod ng kayabangan ang lalaking iyon ay nasuntok ko siya sa nguso. Ito ang dahil kaya iniiwasan kong makisali sa kalokohan ni Adi dahil baka mapahamak na naman ako. Sinadya kong bagalan ang pagligo, kaya inabot akong kalahating oras bago natapos. Pati pagbihis ay hindi ako nagmadali dahil gusto kong mabagot si Drake at wala na siya sa sala paglabas ko, pero masyadong mahaba ang kaniyang pasensya dahil naabutan ko siyang naghihintay sa sofa at hawak ang kaniyang cellphone. “Bakit nandito ka pa?” Sinadya kong ipakita sa kaniya na naiinis ako, pero ngumiti pa sa akin si Drake nang makita ako. “I'm waiting for you,” nakangiti niyang sagot. “Ready na ang breakfast natin, Jam.” Inikutan ko siya ng mga mata, pero mukhang kahit anong gawin ko ay manhid na yata si Drake, kaya balewala sa kaniya kahit harap-harapan kong pinapakita sa kaniya na naiinis ako. “Let's eat, I'm starving.” Tumayo na si Drake at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at hinatak ako papunta sa dining room, kaya nagpumiglas ako, pero hindi niya ako binitiwan. “Bitawan mo ako, Drake,” masungit kong sabi sa kaniya, pero para siyang walang narinig at nagpatuloy sa paghakbang. Sumama na lang ako at nakasimangot na naglakad kasabay ni Drake. Bumungad sa harap ko ang magandang set-up ng mesa kung saan nakahain ang paborito kong pagkain. “Please sit down, Jam,” sabi sa akin ni Drake. Kung umasta siya para bang siya ang may-ari ng bahay at ako ang bisita. Hindi na ito bago sa akin dahil palagi naman itong ginagawa ni Drake, at kahit ipagtabuyan ko siya, hindi siya umaalis, kaya hinayaan ko na lang. Dahil nagugutom na rin ako, nagsimula akong kumain kasabay siya. Nilagyan pa niya ng ulam ang pinggan sa harap ko, at siniguro niyang marami akong makakain. Nakakamiss rin ang ganitong ginagawa ni Drake, pero nagsasawa rin ako sa pangungulit niya sa akin. “Where are you going later, Jam?” tanong ni Drake. “Bakit mo tinatanong?” masungit kong tanong sa kaniya. “Huwag mong sabihin na sasama ka na naman?” Ngumiti sa akin si Drake at inabot ang kamay ko. “Of course, kung nasaan ka, ay dapat kasama mo rin ako.” Nangunot ang aking noo at nalukot ang mukha ko. Ibinaba ko ang hawak kong kutsara at tiningnan ko siya ng masama. “Can you respect my privacy and my own space, Drake?” “You know the answer to your question, Jam,” kibit-balikat na sagot ni Drake. Napabuntonghininga ako at pilit na kinalma ang aking sarili dahil nagsisimula nang mag-init ang aking ulo. “Kaya ayaw kong magpakasal sa iyo dahil ngayon pa lang ay nasasakal na ako, Drake,” nakasimangot kong sabi sa kaniya. “Really?” Tila hindi makapaniwala si Drake sa narinig. Tiningnan niya ako na para bang may mali sa sinabi ko, kaya inirapan ko siya. “Oo, hindi pa ba obvious na ayaw ko sa iyo at mas gusto kong wala ka sa paligid ko dahil naiinis na ako?” “Is that what you really want, Jam?” tanong ni Drake sa akin. Seryoso ang kaniyang ekspresyon habang nakatitig sa akin. Para bang gusto niyang makasiguro na tama ang kaniyang narinig, kaya tiningnan niya ako at nagtanong agad siya sa akin. “Oo,” mabilis at walang pagdadalawang-isip kong sagot. “Alright, starting today, you won't see me again.” Nanlaki ang aking mga mata at napatingin kay Drake. “Talaga?” tanong ko sa kaniya. “Yes,” mabilis niyang sagot. “Finish your breakfast, and I'm going home after.” Nagtatakang napatingin ako kay Drake. Hindi siya ganito magsalita na para bang nasaktan siya sa sinabi ko, kaya nagtatampo siya sa akin. “Are you serious with that, Drake?” tanong ko sa kaniya. “Yeah,” mabilis niyang sagot at pagkatapos, inabot niya ang tubig at nilagok ang laman ng baso. Baka natauhan na si Drake, kaya tanggap na niya na ayaw ko sa kaniya, pero bakit nakakaramdam ako ng kakaibang kirot sa aking puso ngayong sinabi niya na titigilan na niya ako at hindi na siya magpapakita sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD