Chapter 82

1648 Words

JAMILLA May nakahanda na kape sa coffee maker para sa akin dito sa kusina nang pumasok ako. Hindi ko alam na nag-order din pala ng breakfast si Drake para sa akin, kaya nagulat ako nang makita kong nakahanda na ang pagkain ko. Hindi ko siya nakita sa sala, at wala na rin siya dito sa kusina, kaya naisip ko na baka umuwi na si Drake sa bahay niya. Kumuha ako ng tasa at nagsalin para sa akin. Dinala ko ito papasok sa silid ko dahil gusto kong mag-kape sa veranda habang nagpapahinga sandali, at pagkatapos, maliligo na ako at papasok sa opisina ko. Ganito ang araw-araw na routine ko noon bago ako kinidnap ni Drake at dinala sa isla. Nakafokus na lang ako sa negosyo ngayon dahil bumitaw na ako bilang Ace ng Magna El Cajon. Pansamantalang si Daddy na rin ang namamahala sa aming mafia clan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD