Chapter 90

1071 Words

JAMILLA Tahimik na nagmamaneho si Drake papuntang ospital, pero ilang ulit ko siyang nahuling sumusulyap sa akin. May kakaibang kislap rin ang kaniyang mga mata tuwing napangiti siya. Para bang may kung anong naglalaro sa kaniyang isipan, pero hindi na ako nagtanong dahil ayaw kong ibuka ang aking mga labi kasi baka magsuka na naman ako. Nabawasan na ang nararamdaman kong pagkahilo, pero magaan pa rin ang aking ulo, kaya hindi ako gumalaw sa kinauupuan ko. Ilang ulit rin na nagtanong sa akin si Drake at kinakamusta niya ang aking pakiramdam, pero marahang pag-iling o kaya naman ay pagtango ang naging sagot ko. Pumikit ako dahil magsisimula na namang umikot ang aking paningin. Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko, kaya inutusan ko si Drake na dumaan muna kami sa kahit anong restauran

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD