Keisha's POV "We are now landing to Incheon airport." Nagising ako dahil sa paulit-ulit na sabi ng piloto sa speaker. Kinusot ko ang aking mata at tumingin kay Xander na katabi ko. Hindi ko alam kung bakit kami nagkatabi ng mokong na 'to. Natulog kasi agad ako pagkasakay namin ng eroplano. Tumingin ako sa labas ng bintana at dun ko napansin ang madilim na kalangitan sa labas. Tiningnan ko ang aking relo. Pass 2 am na. Posible talagang sumakay ng eroplano ng hating gabi. Aba, malay ko. Ngayon lang ako nakasakay eh. Pagbigyan niyo na. -.- Humikab ako at sumandal sa head board ng upuan. Maya maya pa ay inatasan kami na tanggalin na ang seat belt namin. May ilan ring stewardess ang nag-assist at tinulungan kami sa pagkuha ng aming bag. Kahit nandito palang ako sa loob ng eroplano ay ramd

