05

1799 Words
Michelle's POV "Good morning, Mich." bati sa akin ni Keisha pagkalabas niya ng kanyang kwarto. Suot ko ngayon ang aking uniform, pinahatid ni H.M sa aming kwarto kagabi. "Morning." tipid kong sagot at nagsimulang kumain.  "Morning lang? Walang good?" Sabi niya. Psh. Wala ako sa mood ngayon. Pano ba naman kasi, pumunta dito 'yung dalawang abnormal sa dorm para manggulo. Oo, sabi nila makikipag-chikahan lang sila sa amin pero pati 'tong dorm dinamay sa ka-abnormalan nila, kaya natulog nalang ako kasi hindi naman ako interesado sa pinag-uusapan nila. Pero ang mga abnormal, tumili ng pagkalakas-lakas na halos masira na ang eardrums ko kaya ayun, pinahangin ko ng malakas kaya tumilapon sila pero bumawi naman. Si Keisha, niliguan ako ng maraming tubig tapos ito namang si Rhea ginawang palaka yung remote sa TV at tinapon sa akin kaya naman sigaw rin ako ng sigaw. Takot ako sa palaka eh. Si sofia naman, halos mamatay na sa kakatawa habang hawak hawak pa ang kanyang tiyan.  Kung hindi lang siguro dumating yung uniform sa dorm namin kagabi at hindi pinabalik sila Rhea at Sofia sa kanilang dorm, malamang, walang katapusang asaran ang magaganap. "Tara na?" Aya niya. Hindi ko nalang siya sinagot at lumabas mg dorm. Pagkalabas ko nakita ko sila Rhea at Sofia sa di masyadong kalayuan sa pwesto ko ngayon, mukhang papunta sila sa dorm namin. Magkatabi lang kasi ang mga kwarto namin, pero medyo malayo ang distansya ng mga pintuan, bale mga fifteen meters ang layo. "Oh, guys. Tara na." sabi nila pareho kaya umalis na kaming apat sa girls dormitory. ------ "Uhm, Michelle? Keisha? Saang room kayo?" Tanong ni Rhea sa amin. "Elemental section, R7 black." sagot ni Keisha. "Oh! Classmates pala tayo eh!" nasisiyahang sabi niya. Nahahati sa tatlong unit ang mga estudyante dito, ang special section which is ang pinakamababa, bale sila yung mga estudyanteng hindi pa kayaang kontrolin ang mga kapangyarihan nila. Second ay Average section, sila yung may mga kapangyarihan na apoy, tubig, hangin, yelo, kidlat, isinama narin ang mga sorceress, witch at etc. And the last one is the Elite Section, sila yung mga pinakamalakas na estudyante dito sa school, nandyan din ang top ten students. Hindi ko kilala kung sino-sino sila kasi nga 'HINDI AKO INTERESADO' Nandito kami sa main building ng school, bale nasa north wing ng campus. 10th floor ang taas nitong building na 'to. Ang special section ay nasa first, second and third floor, at sa elemental users naman ay 4, 5 and 6 floor. 7, 8 and 9 naman sa elite at ang pang 10th floor at ang training room. Habang naglalakad kaming apat dito sa hallway ng 5th floor, pinagtitinginan kami ng ibang mga estudyante dito. Para kaming mga model dito ah! Ako kasi ang nasa unahan, si Keisha naman ang nasa kanan ko at sa kaliwa si Sofia, at nasa likod ko naman si Rhea. Maya maya pa ay nakarating na kami sa aming classroom at umupo kami ni sofia si pinakadulo, nasa kanan ko ngayon ang bintana at sa kaliwa si Sofia, si Keisha ang nasa harapan ko at si Rhea ay nasa harapan ni Sofia. Di nagtagal ay may pumasok na isang lalaki na nasa mid20's, and I admit... ANG GWAPOOO niya gayyssss! Okay, tama na ang landi Michelle. Baka magkasala ka.  "Good morning, class. I'm Chance Salvador and I will be your history teacher, and oh. Balita ko, meron daw tayong mga bagong transferee dito. Where are they?" sabi ni prof. sabay tingin sa amin. Shocks! Ang gwapo niya talaga at ang ganda ng mga mata niya. Hay! May Girlfriend na kaya si sir? "Kindly introduce yourself in front, ladies." sabi ni sir kaya pumunta na kami sa harapan at nagpakilala. "Michelle Alvarez is the name, 17 years of existence." sabi ko "Keisha Reid is the name, 17 years old." sabi ni Keisha. "What's your ability?" Tanong ni sir. I can see all eyes on us, waiting for an answer "Can you show us?" Dadgdag pa ni sir. Pinahangin ko ng katamtaman ang buong classroom gamit ang mga mata ko. Si Keisha naman, nagpalabas ng maliit na water ball sa kanyang kamay. "Uh, I see, an air user and a water user. You may now take your seat." sabi ni sir at nginitian kami, nginitian din namin siya pabalik at bumalik sa amin upuan kaya nagsimula na siyang mag discuss "30 years ago, the previous King Zail and Queen Kiena announce that their son, Prince Reynald will be handling the whole kingdom of Irish soon. King Zail and Queen Keina build up this academy for the students who have special abilities, 35 years ago, and as Prince Reynald of Irish meets Princess Jessie of Sapphire Kingdom, they create lots of weapons because of their liking. Not too long, Prince Reynald introduce Princess Jessie to his family and also Princess Jessie. And as the day passed by, their royal families are having an agreement for the two of them, are you still listening class?" Tiningnan ko ang mga ka-klase ko at halos lahat at tulog na. "Yes sir." sagot naming mga interesado pa sa lecture ni sir. "Okay, napagkasunduan ng mga pamilya nila na ipakasal ang dalawa sa pamamagitan ng arrange marriage. Hindi namalayan nila Prince Reynald at Princess Jessie na unti-unti na pala silang nahuhulog sa isat-isa, kaya pumayag sila na magpakasal. Nang sila'y ikasal, tinanghal sila bilang hari at reyna dito sa magic world, sa gitna ng kanilang pagsasama ay nabiyayaan sila ng isang anak na babae na siyang pinakamalakas na nilalang dito sa magic world. Ngunit, lumipas ang isang buwan ay sumugod sa lugar natin ang mga taga dark phantoms. Binalak nilang kunin ang kakasilang palang na prinsesa para sa kanilang pinuno upang siya ang magiging pinakamalakas dito sa magic world. Ngunit hindi sila nagtagumpay dahil mas malakas ang mga tauhan nila Haring Reynald at Reyna Jessie at pati na rin sila." Ewan ko kung ako lang ba o ano,. Ang familiar kasi ng story para sa akin eh. Parang... parang..... aiysh! Hindi ko na alam ang nangyayari sa akin. Tsk! Nababaliw na siguro ako. "Sir? Nasaan na po ang Mahal na Prinsesa?" That question literally caught my attention. Nasaan na nga ba? "The Elders is still searching for her until now. Pero wala parin silang kahit na anong clues kung nasaan na ang Mahal na Prinsesa ngayon, kung buhay pa ba siya or ano." sabi ni sir. Wait! Elders? Sino naman ang mga 'yun? "Sino ba yung mga elders?" Pabulong na tanong ko kay sofia. "Ah, sila 'yung mga members ng council, at kasali rin si H.M." Sagot niya. "Si head master ay isa sa mga elders?" Gulat na tanong ko but still, pabulong parin. "Yup." sabi niya at ngumiti. "Ano po ba ang mangyayari sa magic world pag hindi pa natin makita ang prinsesa?" Tanong pa ng isa kong kaklase. "It will be ruled by the Dark Phantom's Lord."  ---------- "Nasan na kaya ang mahal na prinsesa?" Tanong ni Keisha. Nandito na kami sa Canteen ngayon, having our lunch break. Natapos rin lahat ng subjects sa morning session. History and math sa morning, 2 hours every subject. I don't feel like listening to math, akala ko nga wala nang normal na subject dito pero meron parin naman kahit papaano, science naman at fighting skills sa hapon tulad ng Wrestling, judo, taekwondo, dojo. Sa fighting skills ay pwede mong gamitin lahat ng alam mo sa pangangarate para makakalaban ka parin without using powers. "Oo nga noh? Mahirap pa namang kalaban ang mga dark phantoms." Sabi ni Sofia sabay subo ng kanyang pagkain.  "Uyy, balita ko meron na naman daw'ng mission ang Elite top students." pabulong na sabi ni Rhea "Elite top students?" Curious na tanong ko. "Hindi mo sila kilala unnie?" Sofia asked and I just nodded as an answer. Hindi yata masyadong mahilig si sofia sa Korean words noh? -_- "Seriously?!" Sabay nilang sigaw dalawa kaya napunta sa amin ang attention ng buong estudyante sa cafeteria. "Lower your voice, okay? Baka nakakalimutan niyong nasa public place tayo?" sabi ko at sinamaan ng tingin silang dalawa, kaya nag-peace sign lang ang mga loko. "Sino ba sila?" Tanong rin ni Keisha. Akmang magsasalita na si Sofia ng bigla nalang kami may narinig na sumigaw. "Look what have you done to my shoes!"  Huminto kaming tatlo sa pagkain dahil sa sigaw. Tumingin kami malapit sa counter at may nakita kaming isang babae na umiiyak habang nakayuko at yung isa naman at halos sasabog na sa galit. "S-sorry p-po..." sabi ng babaeng nakayuko habang humihikbi. "Sorry? Do you think sorry can ease my dirty shoes, huh?" Ang O.A naman nitong babae na 'to. Natapunan lang ng ice cream ang sapatos niya, wagas na kung makareact. "G-gagawain k-ko po l-lahat ng g-gusto n-niyo..." Tila natatakot na saad nung sinigawan. "Oh, really?" Sabi niya na ikinatango nung babae. "Then kneel down and clean my shoes using your tongue."  Lahat kaming nandito sa cafeteria at nagulat sa sinabi ng babae. Akmang tatayo na sana ako para tulungan ang babae ngunit pinigilan ako nila Rhea.  "What?" I said, irritated. "Don't dare to help that girl or else you'll be in danger." seryosong sabi ni Rhea sa akin. "What's wrong in helping?" I asked.u "Kasali sila sa top ten, unnie" said sofia. "Kahit sino maliban sa top ten students dito ay wala pang gustong kalabanin sila dahil patay ka talaga." Natatakot na saad ni Rhea. "What the hell is the name of that ugly creature?" Sabay turo ko do'n sa babaeng sumigaw. "Siya si Rachel Yoo, a body manipulator." sagot ni Sofia sa akin. Napatingin ulit ako sa may 'gulo scene' Didilaan na sana ng babae ang sapatos ni Rachel 'kuno' ngunit bago pa man niya magawa yun ay gumawa ako ng Air blades gamit ang mga mata ko at pinatama kay Rachel at sa dalawa niyang alipores, lahat nag gasp sa nangyari lalong lalo na si Rachel at ang kanyang mga kaibigan. Natamaan ko sila sa kanilang mga braso at hita kaya naman napaluhod sila sa sakit. "Who did this to us?!" Galit na sigaw ni Rachel sabay tingin ng masama sa amin, psh. As if naman na matatakot niya ako sa tingin na yan noh. "Answer me!" Sigaw niya ulit. At dahil naiingayan ako sa kanya ay pinalutang ko sila sa ere gamit parin ang mga mata ko at tinilapon sa pinto ng cafeteria. It means umalis na sila kasi nakakasawa tingnan ang mga pangit nilang mukha. 'Get out of here before I'll kill you because of your pathetic ugly creature face. Damn it! Nakakasawa tingnan ng mga pangit niyong mukha.' sabi ko kina Rachel gamit ang aking telepathy, halata namang nagulat sila at natakot kaya tumakbo sila papalayo sa cafeteria.  Narinig ko naman ang mga bulong-bulungan sa mga kapwa ko estudyante dito, na kesyo sino daw ang may gawa nun at blah blah blah, bahala sila, mamatay sila sa kakaalam.. bwaahahaha *cough cough* okay nahawa na ata ako kay ano... ano nga ba ang pangalan nun? ah basta. "Sino kaya ang may gawa no'n?" Keisha. "Ang galing naman niya." manghang sabi ni rhea. "Wala pang nakakagawa no'n sa kanila." sabi ni sofia. "At least, those bitches learn their lesson." sabi ko at tumuloy sa pagkain. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD