DONYA SALUME Nangyari na ang isa sa mga hinihintay kong pagkakataon. Iyon ay ang pagtitipon na ito ng mga elitista ng baryo Milagrosa. "Nakakapanghinayang dahil nawala na sa listahan ng mayayamang pamilya ang matagal nang naghari sa lahat, ang pamilya Alvarado. Dahil sa kanilang pagkalugi, pumalit ang mga Ramos na pinamumunuan ni Biskonde Hipolito." "Karapat-dapat naman talaga silang maupo kasama natin. Alam natin kung gaano kasipag ang mag-asawa para lamang makaabot sa ganitong lebel." "Bakit hindi mo sila lapitan nang sa gayon ay hindi ka mahirap sa pakikinig sa kanila?" wika ng aking asawa. Umiling ako dahil hindi gawain ng isang markiyones ang makiusyoso sa mga ganoong bagay. "Hindi ako nakikinig sa kanilang pag-uusap, Felicio. Tinitingnan ko lamang ang damit ni Dukesa Marife. A