Mahigit isang oras nang nakasalampak sa sahig si Aquilina, tulala, durog ang puso sa nalamang balita. Patuloy na tumatakbo ang kaniyang isipan, gumagawa ng sariling sagot sa tanong kahit na walang kasiguraduhan. Ubos na ang luha sa kaniyang mata. Hindi niya alam kung saan pa kukuha ng likidong maipapatak upang tuluyang lisanin ng takot at pangamba. Nilamon ng pagdududa ang kaniyang puso. Salitang bakit at paano ang sa isip niya'y nagpuno. AQUILINA Gusto kong kumapit sa kahit katiting na pag-asa na hindi ako magagawang pagtaksilan ni Basilio. Hangga't maaari ay ayaw ko siyang paghinalaan dahil para ko na ring sinira ang tiwalang ibinigay ko sa kaniya nang buo. Ngunit paano ko pakakalmahin ang aking sarili? Paano ako maniniwala kung pinapatay ako ng salita at litratong iniwan ni Criscen

