KAPITOLO 31.5

1051 Words

AQUILINA "Mga bata, kailangan ko lang pumunta sa pagpupulong naming mga guro. Babalik din ako kaagad pagkatapos niyon. Sa ngayon, tapusin niyo munang kopyahin ang nasa pisara, maliwanag? Kasama iyan sa darating na pagsusulit." Maingay na paligid ngunit naglalagalag ang isip ko sa kawalan. Tulala akong nakaingin sa aking lamesa, hinihintay ang pagtunog ng kampana. Nais kong umalis, magtungo sa burol at mamahinga roon buong maghapon. "Aquilina, ayos ka lang ba? Ikinalulungkot ko ang nangyari kahapon," wika ni Mildred. Hindi ako kumibo, hindi ko rin siya binalingan ng tingin. Masyado akong abala sa pagkontrol ng aking takot. Noong maramdaman kong dumampi sa aking balikat ang kamay ni Mildred, doon lamang muling sumapi sa akin ang aking wisyo. "Huh? Paumanhin ngunit mayroon ka bang sinabi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD