KAPITOLO 25.5

1672 Words

MILDRED "Sandali lang, anak, may bibilhin lang si papa," paalam nito bago lumabas ng sasakyan. Ala-sais na ng gabi ngunit kailangan naming pumunta muna sa bayan bago umuwi dahil may bibilhin si papa. Isinanday ko ang ulo sa salamin ng sasakyan dahil inaantok ako. Wala akong maayos na tulog kagabi dahil anong oras na namin natapos ang proyekto. Kung hindi lang kasi nilalandi ni Basilio si Aquilina, edi sana mas maaga namin iyong natapos. Pero gano'n talaga siguro, kapag preso ng pag-ibig nawawala ang tao sa kanilang nakagawiang sarili. Hindi naman gano'n si Aquilina. Kung umakto siya para siyang sinapian ng matandang babae kaya lahat ay nirerespeto siya. Pero kagabi? Para siyang natural na sampung taong gulang.  Hays! Ano ba itong pumapasok sa isip ko? Parang kinakalaban ko si Aquilina.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD